Monday , December 23 2024

‘Pinuno’ sa Senado dapat pag-isipan

KUNG dito pala sa bansa isinilang ang isa sa pinaka-mahusay na direktor ng mga pelikula sa Holywood na si Steven Spielberg ay walang kapagapag-asa si Lito Lapid na maging senador.

Pangahas na ipinag­malaki ni alyas Pinuno, siya raw ay magaling na direktor sa pelikula bilang kalipikasyon na ipinangangalandakan sa muli niyang pagtakbo.

Sa harap ng media, ang nakadidiring sabi niya:

“Nagdidirek naman ako sa pelikula, e. Siguro, pagdirekin mo sa pelikula, ‘yun di nila alam. Oh, ‘di ba? Kanya-kanya lang pinag-aralan ‘yan.”

Nangangahulugan na para sa kanya ay tulad sa pagdidirehe ng pelikula ang trabahong gagampanan ng isang mambabatas sa Senado.

At may palusot pa na nalalaman ang damuho sa hindi niya paglahok sa mga debate, aniya:

”Hindi, hindi naman ako nakikipag-contest sa pa­ga­lingan, e. E, sila naman may galing. ‘Yung ga­ling nila siguro’t alam nila, hindi ko alam. Pero may alam din naman akong ‘di nila alam.”

Kung gayon ay timpalak lang pala sa pagsasalita ang tingin ni pinunong kupal sa layon ng political debate at hindi barometro ng mga botante sa pagpili ng iboboto batay sa mga plataporma na dapat ilahad ng kandidato.

Kung may dapat hangaan kay Pinuno ay hindi ang kanyang pagmamayabang na magaling siyang direktor sa pelikula, kung ‘di ang kahanga-hanga niyang katapangan sa paglalako ng kahangalan.

Isama po sa listahan ng mga hindi dapat iboto sa nalalapit na eleksiyon si Lito Lapid na namihasa sa panloloko ng mga botante.

Makapal na, kupal pa!

 

IKA-6 NA ANIBERSARYO NG DOLLAR SMUGGLING SA LAS VEGAS, NEVADA, USA

ANIM na taon ang nakararaan nang ibaba ni U.S. District Court Judge Lloyd D. George noong February 4, 2013 ang hatol sa maybahay ni noo’y nakaupong senador Lito Lapid sa ilegal na pagpuslit ng malaking halaga ng dolyares sa Estados Unidos ng Amerika.

Si Marissa Tadeo Lapid ay napatawan ng parusang 5-months of home confinement at 36-months probation matapos umamin sa bulk cash smuggling at conspiracy to structure tran­sactions to evade reporting requirements.

Pinagbayad din si Marissa Lapid ng halagang $40,000, kasama ang pagkompiska sa $199,700 magkakahiwalay na deposito sa mga banko sa Amerika.

Ang maybahay ni Pinuno na si Marissa ay matatandaang naaresto noong November 2010 pagdating niya sa McCarran International Airport matapos matagpuan ng U.S. Customs and Border Protection officers ang halagang US$40,000 na sadyang itinago sa kanyang bagahe at hindi idineklara.

Sa imbestigasyon ng U.S. Immigration and Customs Enforcement’s (ICE) Homeland Security Investigations (HSI), lumabas na mula January 2009 hanggang June 2010, si Marissa Lapid ay may mga kasabwat sa 23 cash deposits na pa­wang mababa sa $10,000 ang halaga sa mag­kakahiwalay na mga banko sa Las Vegas.

Nabuko ng mga awtoridad na ang hiwa-hiwalay na pagdedeposito ng salapi ay kalimitang ginagawa sa loob ng isang araw sa magkaka­hiwalay na pagkakataon.

Sa Estados Unidos ng Amerika ay obligadong ireport ng banko ang anomang transaksiyon na nagkakahalaga ng mula $10,000 pataas.

Sumatotal, umabot sa $159,700 halaga ang napalusot ng deposito ng grupo ni Marissa Lapid.

Inamin din ni Marissa Lapid sa imbestigasyon na ang pera na kanyang bitbit at nasabat sa kanya ng mga awtoridad ay galing sa asawa na noo’y nakaupong senador.

Matatandaang si Pinuno ay nakasuhan din sa pagwawaldas ng kanyang pork barrel pero noong 2016 ay kaduda-dudang inabsuwelto sa kasong graft ng Sandiganbayan.

Ang kanilang anak naman na si Mark Lapid ay kasalukuyan pang may binubunong kaso kaugnay ng maanomalyang kontrata sa serbisyo ng tubig sa Boracay.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *