Friday , November 15 2024

Kailangan ng ahensiya na hiwalay sa Comelec

KAHAPON pa lang ang simula ng opisyal at 90-araw na campaign pe­riod para sa mga bago at reeleksiyonistang kan­didato sa Senado kahit ang iba, sa totoo lang, ay mahigit isang-taon nang kumakam­panya.

Muli tayong makari­rinig ng mga nakakiki­labot at makatindig-bala­hibong talumpati mula sa mga kandidato na mag­papaligsahan sa pagsa­salita para makahakot ng mapabibilib na botante.

Uso na naman ang panunuyo, ang pambobola na may kasamang payakap-yakap, pahalik-halik at patapik-tapik sa balikat ng mga botante na dati nang modus ng mga kandidato tuwing may halalan.

Siyempre, sa lahat ay hindi mawawala ang vote-buying na pinakamabisang pambulag ng mga walanghiyang kandidato na nakasalalay ang panalo sa pamimili ng boto.

At ang masaklap ay may malaking krisis sa kredibilidad ang Commission on Elections (Comelec) na gampanan ang kanilang mandato na mairaos ang maayos na halalan sa bansa.

Inutil at walang silbi ang Comelec sa mga tahasang paglabag at harap-harapang pandaraya sa mga batas ng eleksiyon.

Pagdating sa mga protesta, nag-uumpisa na ang kasunod na eleksiyon at hindi pa natatapos ang mga kaso na idinulog sa kanila sa mas naunang halalan.

Walang katiyakan na totoo pa ang mga resulta ng halalan dahil ang pagbilang sa sagradong boto ng mamamayan ay nakasalalay sa manipulasyon ng Smartmatic na kakontrata ng Comelec.

Mas angkop sa kultura natin ang makalumang manual counting na dating paraan sa eleksiyon, matagal man ang resulta ay sa atin dapat ipaubaya ang pag­bilang ng ating mga boto.

Napakawalang sentido-kumon naman yata na tayo ang pumili ng ating ibinoto, pagkatapos ay sa mga dayuhan manggagaling ang resulta ng nanalo sa eleksiyon. Simple lang ang naman ang kailangang reporma para maisaayos ang prose­so ng halalan sa kung ‘di ang pagbawas sa ibang mandato ng Comelec na hindi nila kayang gampanan.

Nangangailangan ang pagtatatag ng hiwalay na tanggapan para sa registration ng mga botante na hahawak din sa mga protesta at mga kasong may kinalaman sa eleksiyon.

Ang panibagong ahensiya ang hayaang mamahala sa registration ng mga botante na pagdudulugan din ng mga kasong may kinalaman sa eleksiyon.

Kung tutuusin, hindi ang mga kandidato na nadedeklarang nuisance kung ‘di Comelec mismo ang talagang nagpapagulo sa proseso ng eleksiyon dahil sa pagpapatupad ng mga tuntunin na wala namang basehan sa batas.

Naturalmente, ‘pag may gulo at kalitohan sa mga batas, may kikita!

Kagagagohan na rin na mabaliktad pa sa Comelec ang anomang apela at reconsideration sa mga protesta at kaso na kanilang nade­si­syonan.

Tanggalin na rin ang Comelec ng poder na makapasok sa anomang kontrata at kasunduan na may kaugnayan sa proseso ng eleksiyon.

May pag-asa pang tumino ang halalan at maipatupad ang elction laws kung lilimitahan ang mandato ng Comelec sa pagbilang ng mga boto para pati sila ay mapanagot din sa batas sakaling masangkot sa kalokohan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *