Friday , November 15 2024

Vindicated si Mangaong, ibinalik na BoC-XIP chief

TIYAK na napakamot sa ulo at napapailing pa ang mga damuhong nasa likod ng inilargang ‘demo­lition job’ sa media matapos muling maita­laga sa kanyang dating puwesto si Atty. Ma. Lourdes Mangaoang bilang hepe ng Bureau of Customs X-ray Inspection Project (BoC-XIP).

Kaya’t wala na si Mangaoang sa pas­senger services ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinagtapunan sa kanya ni ngayo’y TESDA Sec. Isidro Lapeña, dating hepe ng Customs na sinibak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay ng mahigit sa P11-B shabu shipment na pinalusot ng/sa Customs.  

Malaki pa naman ang pinakawalang budget sa media para siraan at pasamain ang imahen ni Mangaoang sa publiko bunsod ng kanyang walang-takot na pagtestigo sa magnetic lifters na pinaniniwalaang kargado nang mahigit sa P11-B halaga ng shabu na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa GMA, Cavite at inimbestigahan ng Kamara at Senado nitong nakaraang taon.

Ang hindi lang natin alam ay kung may balak si Mangaoang na buweltahan ang masisiba sa pera na nagpagamit sa pagpapakalat ng mga malisyosong paninira laban sa kanya at nasa payola ng malalaking sindikato sa Customs.

Nabasa natin ang mga paninirang isinulat laban kay Mangaoang sa ilang tabloid na talaga namang sagad sa butong pamemersonal at pag­mamalabis ng mga nagpapanggap na journalist.

Aywan lang natin kung maatim ni Mangaoang na palagpasin ang ginawang pagyurak sa kanyang matinong pangalan at pagkatao.  

Akalain n’yo, ginamit pa ng mga walanghiyang timawa na basehan ang paghahain ng inim­bentong kaso ng isang nagpapanggap na ‘crusader’ daw laban kay Mangaoang upang mapalitaw na lehitimo at kapani-paniwala sa publiko ang mga paninira sa media.

Una nang nabiktima si Mangaoang ng katulad na demolition job sa media matapos niyang masabat ang malaking shipment ng mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu noong siya ang distict collector ng Customs sa Zamboanga Port, maraming taon na ang nakalilipas.

Kinasuhan ni Mangaoang ang isang nagngangalang Li Peng Wee, ang may-ari ng nasabat na kontrabando na napag-alamang malapit na crony at adviser pala ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na noo’y nakaupo sa Malacañang.

Sa pagkakatanda pa natin, ang pagkakahain ni Mangaoang ng kaso ang naging sanhi ng paninira sa kanya ng isang nasa media na nagtangka pero nabigong arborin at areglohin ang suspected drug lord na Tsekwa.

Ang pagkakatalaga kay Mangaoang bilang hepe ng BoC-XIP ay kapwa pirmado nina Deparment of Finance (DoF) Sec. Carlos Dominguez at Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa bisa ng customs personnel order (CPO) na may petsang Jan. 4.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mangaoang ang kauna-unahang umupo bilang hepe ng XIP mula nang maitatag ito sa panahon ng adminis­trasyon ni GMA.

 Sa mga gagong nasa likod ng paninira sa kanya, subukan n’yo na lang kaya na hamunin si Mangaoang ng draw, na sa pagkakaalam natin ay sharp shooter, para magkaalaman, hehehe!

Pero isa lang ang natitiyak natin, sina Domniguez at Gurerrero ay hindi nagkamali na ibalik si Mangaoang.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *