MARAMI ang nakakapansin sa ilang pagbabago ng seryeng Ang Probinsyano. Maaksiyon naman pero madrama. Mistulang mga pelikulang likha ng Sampaguita Pictures noong araw.
Naroon ang estilo ng pagliligawan na hinarana ni Lito Lapid si Angel Aquino at panay ang pagbubulungan nina Bianca Manalo at John Prats.
May nagtatanong din kung paano namang maiisipan pa ni Joross Gamboa ang manggahasa ng isang babaeng anak ng magsasaka sa kaguluhan nangyayari sa kanilang lugar. Kasama pa ang sangkaterbang tauhan na naghihintay sa kanya sa labas. May time pa talagang manghalay ang actor.
At nakagigimbal din sa mga manonood ang pagbaril sa babae ng harapan. Sobra ang tapang ng eksena at paano ito nakalusot sa maseselang tagapagmasid sa mundo ng telebisyon?
Dapat tandaan na mga bata ang nanonood at hindi mga senior citizen na sanay makapanood ng ganoong eksena.
Maine, wish na iguhit ng isang artist
MAY kahilingan sana si Maine Mendoza bago magtapos ang taon. Ang iguhit siya ng isang artist.
Sawa na siguro ang dalaga sa pagkakaroon ng mga larawan sa cellphone at telebisyon na isang minuto lang at naglalaho na ang kagandahan. Unlike sa painting na puwede niyang i-display.
Empoy, dinumog ng mga kamag-anak
MASAYA ang Pasko ng komedyanteng si Empoy Marquez dahil dinumog siya ng mga inaanak. Iba na kasi ang katayuan niya sa buhay.
Masaya rin si empoy para sa kanyang bayan sa Baliuag na kahit paano humahabol magkaroon ng Christmas decor sa kabayanang kinaroroonan ng Baliuag Park.
Noong Simbang Gabi sa Baliuag, may iba’t ibang contribution ang mga dumarayong magsimba. Everyday, iba-iba ang dinadalang handog ng mga mandarasal. Nariyan ang sardinas, kape, asukal, bigas, tinapay at iba pa. At ang malilikom ay ibibigay ng Baliuag Church sa mga kababayang mahihirap na namamasko.
Sana tularan sila ng ibang simbahan para makatulong sa kahirapan ng mga kabarangay
***
BIRTHDAY greetings sa mga December born—ex-mayor Alfredo Lim, ex-senator Nikki Coseteng, Brenda del Rio, Alice Cabahug, at Beth Jones, ina ni Angelica Jones, Arnold Esguerra—Escolta Boy.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales