19 Disyembre 2018
B. GLORIA GALUNO
Managing Editor
Hataw
Room 106, National Press Club Building
Magallanes Drive, Intramuros Manila
B. Galuno:
Ito ay bilang tugon sa isinulat ni G. Jerry Yap sa kanyang pitak na may pamagat na, “May kumikita bang broker sa stocks ng SSS?” na nailathala noong Disyembre 13, 2018.
Nais naming ipaalam kay G. Yap na ang Stock Investment Loan Program (SILP) ay isang uri ng pautang para sa mga k(w)alipikadong miyembro para ipambili ng shares of stock sa mga piling k(o)mpanya at maaari itong bayaran (na)ng installment. Inilunsad ang SILP noong Marso 1988 sa layuning dagdagan ang ipon o puhunan ng mga miyembro ng SSS sa pamamagitan ng pagbili (na)ng mataas na uri ng shares at sa kalaunan ay magbibigay sa kanila ng karagdagang pagkukuhaan ng kita.
Mahigit sa P1 bilyong pautang ang nailabas ng SSS mula (na)ng inilunsad ang programa hanggang ito ay suspendehin noong 1997 dahil kakaunti ang tumatangkilik dito at sa mataas na halaga na hindi nababayarang utang bunsod ng bumababang halaga ng stocks bunga ng naging krisis sa ekonomiya noon.
Taliwas sa pahayag ni G. Yap kasama ang SILP sa Penalty Condonation Program for Delinquent Member Borrowers na ipinatupad noong Setyembre 2003 hanggang Enero 2005, at pinalawig pa ang deadline nito hanggang Disyembre 2009. Sa kasalukuyang Loan Restructuring Program (LRP), hindi kasama ang SILP sapagkat ang LRP ay idinisenyo para sa mga miyembro na may short-term loans na naging biktima ng mga kalamidad.
Sa ngayon, walang plano ang SSS na mag-alok ng condonation program para sa SILP. Gayunpaman, simula Pebreo 2015, ipinatutupad ng SSS ang Option to Sell Shares of Stocks Program para tulungan ang mga borrower na ibenta ang stocks na binili nila dati gamit ang kanilang SILP sa presyong base sa nananaig na halaga sa merkado ayon sa akreditong stock broker ng SSS. Gagamitin ang naiwang halaga pagkatapos ibawas ang komisyon ng broker, tax at iba pang fee sa hindi pa nababayarang SILP loan balance, pagkatapos sa iba pang delinkwenteng member loan at housing loan, kung meron. Ibabalik sa borrower ang halagang natira mula sa pagbenta ng stocks.
Sa kabilang dako, hindi kontrolado ng SSS ang pagtaas o pagbaba ng halaga ng stock market sapagkat ito ay bunga ng iba’t ibang pang-ekonomiyang kadahilanan. Bilang paglilinaw, sumusunod sa regular na proseso ng kalakalan patungkol sa equity trades sa stock market kaya maling isipin na may broker na nakikinabang sa mga transaksiyon ng SILP. Binabayaran ang mga broker alinsunod sa halaga ng naisagawang kalakalan na tugma sa graduated commission rate na 0.05% hanggang 0.25%. Bawat transaksyon sa ilalim ng SILP ay sinisingil (na)ng naaangkop na bayarin gaya ng value-added tax (VAT) sa komisyon, clearing fee, transaction fee ng Philippine Stock Exchange at stock transaction tax.
Itinuturing na indibidwal na transaksyon ang mga account sa ilalim ng SILP katulad ng isang ordinaryong kalakalan para sa isang regular na mamumuhunan. Dahil sa pabago-bago at mababang bilang ng kalakalan sa ilalim ng SILP, tanging mga broker na humahawak ng non-institutional clients at mayroong mahusay na rekord ang itinatalaga pa rito.
Totoong walang condonation program para sa mga nangutang sa ilalim ng SILP ngunit nag-aalok naman ang SSS ng ibang kaparaanan upang maayos nila ang kanilang obligasyon sa SSS.
Salamat po sa pagkakataong linawin ang bagay na ito. Nawa’y ilathala po ninyo ang liham na ito sa Hataw.
Sumasainyo,
MA. LUISA P. SEBASTIAN
Vice President
Public Affairs and Special Events Division