BALIK-TELEBISYON at radyo sa pagpasok ng 2019 ang Public Attorneys Office (PAO) Chief, Persida V. Rueda-Acostamatapos makatanggap ng offer sa PTV4 at DWIZ.
Anang magaling na abogado, ”Magkakaroon ako ngayong January (2019), may offer ang PTV4. Pero hindi pa kami nagkakasundo sa mga term. Kahit ten-minute segment sa news. Tapos ‘yung DWIZ nag-offer sa akin ng free airtime. Baka January na ako mag-start sa radyo, 10 to 12 ng umaga tuwing Sabado para walang pasok. Siguro ang format para pa ring payo-payo.”
Kaya naman mas marami pang matutulungan ang napakasipag na PAO chief na mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Katulad ng mga biktima ng Dengvaxia na karamihan ay mga batang estudyante na matapos maturukan ay namatay. Present sa presscon ang mga magulang at pamilya ng mga namatay na estudyante. Hanggang ngayon kasi ay katarungan ang kanilang isinisigaw para sa mga inosenteng anak na namatay.
Ani Atty, Persida, ”Siyempre ilalaban namin ang kaso. Basta hinawakan ni Acosta, siguradong may ebidensiya at tuloy-tuloy ang husgado.”
Umaasa ang mga pamilya ng mga biktima ng Dengvaxia na makakamit din nila ang hustiya katulad ng pagkapanalo ng kaso ni Kian delos Santos na tinulungan din ng PAO at ni Atty. Persida.
MATABIL
ni John Fontanilla