Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kirot ng bukol sa loob ng tainga tanggal sa Krystall

Dear Sis Fely,

Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoon Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak na si Jesus Kristo, at sa buo ninyong pamilya.

Ako po si Sis Petra E. Aradales, 52 years old, taga- San Pedro Laguna. Ang patotoo ko ay tungkol sa kapatid kong nakatira sa Batangas na nalaman kong ooperahan sa tainga.

Kasi po ay may bukol sa loob. Tatlong doktor na po ang tumingin sa kanya. Kaya nagpunta agad ako sa Batangas. Dinalahan ko siya ng Krystal Herbal Oil, Yellow Tablet at Nature Herb tea.

Hinilot ko ang tainga niya, Krystal Herbal Oil ang ipinanghaplos ko. Pinainom ko ng Yellow Tablet, 3x a day at Nature Herb 3x a day.

Pagkatapos kong gawain iyon hindi na raw masakit at nakatutulog na siya. Pero tuloy pa raw ang opera sa kanya. Sabi ko sa kanya kapag naubos ang dala kong gamot bumili uli siya ng oil, yellow tab, nature herb at dagdagan niya ng Fungos.

Itinuro ko ang “Luz Pharmacy” sa Lipa City kasi iyon ang narinig ko sa radyo. Kaya lang wala daw Fungos sa “Luz Pharmacy.”

Sis Fely ang maganda pa po, para ako herbalist doon nang bumalik ako sa Batangas epektibo sa kanilang mga kapitbahay at mga kamag-anak namin. Kaya itinuro ko uli sa kanila ang Luz Pharmacy para doon sila bumili at nagbigay po ako ng flyers ng FGO doon kasi marami po ako kinuha noong nag-anniversary tayo.

Sis Fely marami pong salamat sa inyo at sa product ninyo, nawa in Jesus Name, humaba pa ang buhay ninyo nang marami pa kayong matulungan.

Marami pa po akong patotoo pero mahaba na po ito.

Maraming salamat muli.

Sincerely,
Sis Petra

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …