Dear Mam Fely,
Ako po si Kathleen Manlangit. Noong January 2012 nakunan ako nang dalawang buwan at iniligo ko at naglabas nang marami. Nagpaulan at nagpa-electric fan at nag- swimming sa dagat at swimming pool. Pasaway kc ako kaya ako nagsa-sacrifice ngayon!
Una nagpa-doctor me kc hindi me mkahinga at pabalik- balik ang ubo ko. Nagpa-check up me sa doc at sabi hika raw or pulmonya. Mga ilang linggo nagpa-check up me ulit. Binigyan me anbiotic para sa plema. Pero mkalipas ulit ng mga ilang linggo hindi pa rin me gumaling. May time na nilalamig at nanginginig ang katawan ko pero tanghaling tapat ‘yun …
Hirap ako makahinga at lagi me ginanerbiyos at dalawang beses nko na-confine nagpa-ECG, x-ray, ultrasound.
Lahat wala naman findings ang doctor. Nagpa-second opinion me sa ibang doctor wala rin silang nkitang may sakit me. Sabi naman ng matatanda at mama ko binat daw eto nararamdaman ko.
Kasi nagsimula ko itong maramdaman mula nang makunan ako 4 months ago. Ang dami ko nararamdaman. Hindi me masyado makahinga pabalik-balik ubo ko at lagi me nahihilo. Parang namamaga dibdib ko. Parang pinipiga at ang mga ugat ko parang naglalaban at feeling ko po puno me ng hangin sa katawan.
Mam tulungan n’yo po ako hays hirap na hirap halos lahat walang finding ultimo doctor, albularyo, magtatawas, hilot lang ang gusto ko at massage… tapos ilang beses na ko sinuob ng mama ko. Halos lahat-lahat na … hayss help me po.
— Kathleen D. Manlangit
([email protected])
Dear Kathleen,
Makipag-ugnayan ka sa numerong nakikita mo sa ibaba ng kolum na ito.
FGO
Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.
Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong