Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sa Krystall Herbal Oil at Nature Herbs Tea buong pamilya’y hiyang na hiyang

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Artemio Francisco ng Singalong, Malate, Maynila. Dual citizen na rin po ako … meaning Filipino and Senior Citizen… he he he … joke lang po. Dati po akong seaman, pero matagal nang nagretiro at nagbukas na lang kami ng maliit na sari-sari store para may pagkuhaan ng panggastos sa araw-araw.

Nakatapos na rin po sa pag-aaral ang apat naming anak at dalawa sa kanila ay mayroon nang sariling pamilya at maayos ang trabaho nila.

Sumulat po ako sa inyo sa HATAW para ikuwento ang mga tulong na nagagawa sa aming pamilya ng KRYSTALL herbal products.

Halos five years na po kaming gumagamit nito. Una po naming nakita ang KRYSTALL Herbal Oil sa isang gawain sa Luneta. Nakita po kasi ni misis na mayroong mga bumibili at ‘yung iba naman habang nakaupo ay nagmamasahe sa kanilang ulo.

Kaya ang ginawa po ni misis, bumili rin ng nasabing langis. Pero habang pumipili siya ng langis ay nakita rin niya ang KRYSTALL Nature Herbs.

Bumili po siya pareho. Pagkagaling namin sa gawain ay agad na nagpapahid si misis ng langis sa likod sa ulo, sa bewang hanggang sa binti at paanan.

Ganoon din po ang ginawa niya sa akin. Aba nakapagpahinga po kami agad at paggising namin ay magaan na magaan ang aming katawan.

Bandang tanghali naman po pagkatapos namin mananghalian ay ininom namin ang KRYSTALL Nature Herbs.

Aba, alam mo ba Sister Fely, isang buwan pa lang namin deretsong iniinom ang KRYSTALL Nature Herbs at ginagamit ang KRYSTALL Herbal oil ay nawala na ang pamimitig ng kan­yang paa at ako naman ay ang panlalamig ng aking likod.

Maraming salamat po sa Diyos at sa mga taong kagaya ninyo na patuloy na gumagawa ng paraam upang makatulong sa tao.

Salamat po,
ARTEMIO FRANCISCO
Singalong, Malate, Maynila

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …