Friday , November 15 2024

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Wakas)

NGAYON na natalakay na natin kung ano ang Impeachment, Quo Warranto, kung sino si Maria Lourdes PA Sereno; at napag-usapan na rin natin mga pangyayari o bagay-bagay bago ang kontrobersiyal na pagkakatanggal sa dating punong mahistrado ay susubukan nating lagumin ang mga pangyayari.

Bagamat may legal na opinyon ang Usaping Bayan kaugnay ng mga pangyayari ay hindi na natin tatalakayin ito nang malalim dahil marami nang gumawa noon. Lilinawin lamang natin ang mga bagay-bagay at bahala na kayong mga mambabasang magsabi kung ano talaga ang dapat na nangyari.

Malinaw na

Malinaw na ngayon sa atin na ang Impeach­ment ay isang prosesong politikal at paraan upang matanggal sa poder ang Pangulo ng Republika, ang Ikalawang Pangulo, ang mga mahistrado ng Korte Suprema, mga komisyoner ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Elections (COMELEC), Commission on Audit (CoA), at ang Ombudsman. Samantala, malinaw na rin na ang Quo Warranto ay isang administratibong paraan upang maalis sa poder ang isang pinaniniwalaang naupo sa posisyon na may kulang o walang kuwalipikasyon.

Malinaw na rin na maraming nasagasaan si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III nang kanyang iupo si Sereno bilang Chief Justice ng Korte Suprema, at karamihan sa kanila ay siya ring nagdesisyon kamakailan na alisin siya sa puwesto matapos ang anim na taon.

Malinaw na tinanggal si Sereno hindi dahil sa nakagawa siya ng krimen laban sa bayan o kabang bayan tulad ng tinatawag na culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust. Siya ay tinanggal dahil lang sa isang tinatawag na kapalpakang administratibo, dahilan para isipin natin na hindi ito talaga ang dahilan ng pagkakasipa sa kanya.

Pansinin na hindi tahasang sinabi ng pamunuan ng University of the Philippines, kung saan nagturo nang mahigit sa sampung taon ang dating Chief Justice bago nanungkulan sa Korte Suprema, na hindi nag-file si Sereno ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN). Bagkus ang pagkakasabi niya ay hindi lamang makita ang kanyang mga papeles.

Sa ngayon ay matatag na naninindigan pa rin si Sereno na nag-file siya ng kanyang SALN sa lahat ng panahon, at hindi lamang makita ang mga ito ng mga ahensya ng pamahalaan kung saan nai-file ang mga papeles, dahil na rin sa kalumaan ng siste sa filing. Hindi ba’t totoo naman na may pagkakataon na nawawala ang mga papeles sa mga ahensya ng pamahalaan at hindi lamang kay Sereno nangyayari ito?

Dahil dito ay ikinonsidera ng Judicial and Bar Council, na noo’y pinamumunuan ni Associate Justice Diosdado Peralta, na kompleto ang kanyang kuwalipikasyon para maging pinuno ng Korte Suprema. Malinaw na kung kulang man ang SALN sa papeles na inihain ni Sereno bago siya inendoso para sa pagka-Chief Justice ay legal na pinalagpas ng JBC at kung tutuusin ang may sala rito ang nasabing konseho.

Bilang pang­huli, naniniwala ang Usaping Ba­yan na ang dapat nangyari sa Quo Warranto ni Solici­tor General Jose Calida ay ibinasura ito o dili kaya ay itinuring lamang na ebidensiya sa isang fact finding investigation ng Korte Suprema. Hindi rin dapat nakisangkot sa pagdinig ng Quo Warranto ang mga hiniling na mag-inhibit sa proseso alang-alang man lamang sa delicadeza.

Ngayon, kung ano man ang findings ng fact finding probe, dapat ay inendoso ng Korte Suprema sa House of Representatives para ga­miting ebidensiya sa Impeachment trial sa Senado.

Sa huli, naniniwala pa rin ang Usaping Bayan na ang Senado ang dapat humusga kay Sereno.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan nyo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *