Sunday , December 22 2024

Dura Lex, Sed Lex

“MALUPIT o hindi man kaaya-aya ang batas, ito ang batas.”

Ito ang palagiang sinasabi sa amin noon ng aming mga propesor sa Kolehiyo ng Batas. Anila, ang matandang prinsipyong ito ang nagbibigay katatagan sa mga batas ng lipunan, nagbibigay patunay na pantay-pantay ang tingin ng batas sa lahat at nagbibigay katarungan sa pagpapatupad nito.

Dagdag nila, ang prinsipyong ito ang saligang batayan sa kaayusan ng lipunan. Kung wala ito ay walang makatarungang batas ang maiaakda at maipatutupad.

Sa biglang tingin ay tama at tila walang maaaring ipuna sa prinsipyong ito. Pero hindi natin dapat malimutan na ang Dura Lex, Sed Lex ay may batayan na sinasandigan din. Hindi ito nagmula sa bula, hindi ito putok sa buho.

Dura Lex, Sed Lex does not exists in a vacuum. Ito ay bunga ng karanasan ng tao. Ilan sa mga palagay o presumption na nagbigay buhay sa prinsipyong ito ay ang mga sumusunod:

  • Magiging makatarungan ito para sa lahat;
  • Ipatutupad ito nang walang kinikilingan; at
  • Paiiralin ito sa loob ng isang siste na ginagabayan ng katarungang panlipunan.

Walang saysay at hindi maaaring ikatuwiran ang Dura Lex, Sed Lex kung hindi makatarungan ang pagpapatupad ng batas, kung tanging ang mga makapangyarihan lamang ang nakikinabang sa biyaya nito, at kung ang sistema kung saan ipaiiral ang batas ay kapos o salat sa katarungang panlipunan.

Isang halimbawa nito ang Tax Reformation and Inclusion (TRAIN) Law na kamakailan lamang ay naging batas.

Una, hindi ito makatarungan sa lahat dahil malinaw sa epekto ng mga probisyon nito na ang makikinabang lamang dito ay iilan;

Pangalawa, ang ‘walang kiling’ na pagpapatupad nito ay ‘kiling mismo’ para sa kakaunting makikinabang sa batas na ito;

Pangatlo, ipaiiral ito sa kabila ng katotohanan na ito ay bahagi ng kasalukuyang taxation system na walang duda ay regressive.

Sa ganitong kalalagayan, walang ibig sabihin ang Dura Lex, Sed Lex. Ang ipinaiiral dito ay hindi makatarungang batas, kundi ang pagiging tirano ng minorya laban sa mayorya gamit ang batas.

***

Ayon sa Tunay na Pagpapakatao (TPP), “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao ang para sa batas.” Ang katuruan na ito ng TPP ay inihalaw ng mga pari, teologo at pilosopong Filipino mula sa Lucas 13:10-17; Marcos 3:1-6; Mateo 12:9-14; at Juan 5:1-46. Malinaw mula sa mga talatang ito ng Bagong Tipan, ng prinsipyong Dura Lex, Sed Lex ay depende o nakabatay sa mga batayang palagay na unang na­banggit para ma­ging makatuwiran.

***

Pasyalan nin­yo ang Beyond Deadlines sa www.beyond­deadlines.com para sa mga balita sa ating nagba­bagang panahon. Sana ay maka­ugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang paha­yagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *