Friday , November 15 2024

Isang pagninilay sa kilos ng Korte Suprema laban kay CJ Sereno

UNA sa lahat ay ibig kong linawin na hindi ko kilala si dating Chief Justice Maria Lourdes PA Sereno at hindi ako natuwa nang siya ay i-appoint ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino Jr., bilang punong mahistrado ng Korte Suprema dahil napaka-junior pa niya para sa nasabing posisyon.
Hindi tulad ng ilan kong kapatid mula sa Confraternitas Justitiae na nakatrabaho si Sereno, ni hindi ko nakita ang kanyang anino. Tanging sa telebisyon ko lamang siya nakikita.
Sa kabilang banda ay kinober ko noon sila Associate Justice Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Teresita De Castro. Si Bersamin at Peralta ay pareho pa lamang Quezon City Regional Trial Court judges nang una ko silang makilala samantala sa Sandiganbayan ko na inabot si De Castro habang nililitis ang noo’y plunder case ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Nitong nagdaan Biyernes ay nahati ang mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa kinalabasan ng isang en banc meeting na nagpasya ang mayorya ng mga mahistrado na sibakin si Sereno mula sa poder matapos nilang katigan ang isang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Nakalulungkot na sinipa mula sa puwesto si Sereno dahil ayaw lamang nila sa kanya, at hindi dahil sa siya ay nagnakaw o walang kakayahan na pamunuan ang Korte Suprema. Ayon sa mga kwento ng mga legal practitioners tungkol kay Sereno, tama ang pinaggagagawa niya at maayos ang kanyang pamumuno bilang CJ ng hukuman.
Ang masakit pa nito, sinipa nila si Sereno sa pagbibigay bisa sa quo warranto na inihain ni Calida. Dapat nating pansinin na ayon sa Section 2, Article 11 ng 1987 Constitution: “The President, the Vice-President, the Members of the Supreme Court, the Members of the Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be removed from office on impeachment for, and conviction of, culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust. All other public officers and employees may be removed from office as provided by law, but not by impeachment.”
Wala na pong ibang paraan na nabanggit ang batas. Malinaw sa mga nag-aral ng statutory construction na ayon sa Latin maxim na “expressio unius est exclusio alterius,” na ang ibig sabihin sa Ingles ay “the explicit mention of one thing is the exclusion of another,” impeachment lang ang binanggit na paraan ng batas sa pagtatanggal ng punong mahistrado, hindi na ito dapat dagdagan ng iba pa.
Bukod dito ay malinaw na bago matanggal via impeachment ang mga nasabing opisyal dapat ay mapatunayan muna na sila ay may ginawang “culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.”
Sa mga nangyari ay makikita na binigyan lamang ng katwiran na pilipit (legal gobbledygook) ‘yung quo warranto para mawala na sa kanilang landas si Sereno. Malinaw na walang maikawing na “culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust” laban sa kanya. Hindi na inalintana ng mga humusga laban kay Sereno na sila ay isang collegial body na hindi maaring manghusga sa bawat isa.
Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po. Pasyalan n’yo rin ang pahayagang HATAW sa hatawtabloid.com na lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *