Saturday , November 8 2025

Carlo, personal choice ng Spring Films produ

SAMANTALA, sa programang Gandang Gabi Vice napanood ni Erickson si Carlo Aquino at dito siya nagka-idea na kunin sa movie project niya.

“Casting palang kami, tapos nanonood ako ng ‘GGV’, guests sina Carlo at JC (de Vera) para roon sa promo ng serye nila, ano nga ‘yun?” tanong sa amin na sinagot namin ng The Better Half.

“Iyon nga, nagulat ako kasi ang Carlo na nasa isip ko, totoy pa, eh, noong nakita ko siya sa ‘GGV’, mama na at ang ganda ng rehistro niya.

“So, the next day nabanggit ko rito sa office na si Carlo nga tapos napanood din pala nila ang ‘GGV’ at lahat sila nag-agree nga.

“Then nag-meeting na kami sa Spring Films, kami nina Tonette (Jadaone), si Joyce Bernal, Irene (Villamor) nagka-casting palang kami for a movie project.

“Kasi ‘di ba ganoon ‘yung mga gusto namin na magagaling na hindi masyadong napapansin, then nag-agree silang lahat. Kaya noong sinabi ko na si Carlo sa ‘St. Gallen,’ lahat umokey. Sinabi ko naman ito kay Carlo na siya ang choice ko for St. Gallen,” buong kuwento sa amin.

Inimbita nga ni Erickson ang program manager ng GGV na si Lani Gutierrez.

“To give ano rin (credit) kasi sa show niya (Lani) ko napanood si Carlo,” sabi pa.

‘Bakit sa St. Gallen ang shooting ng movie,’ tanong namin sa Spring Films producer.

“Si Irene ang sumulat at konsepto niya may Christmas Village.

“Kaya naghanap sila kung saan (bansa) ang may Christmas Village. Hindi ko nga rin alam kung saan ‘yung St. Gallen, siya (Irene) ang nag-research.

“Plano nga kasi December gagawin (shooting) tapos ipalalabas namin ng January, right after MMFF para dikit pa sa Pasko. Eh, noong ginagawa na, sabi, let’s not be pressured by time, kaya ngayon Pebrero na,” paliwanag sa amin.

So pagkatapos ng Japan at Switzerland, saan namang bansa ang susunod na location ng Spring Films?

“Sa Marawi,” natawang sagot sa amin.

Gagawing pelikula ng Spring Films ang nangyari sa Marawi City at kung hindi magbabago ay sa Marso na gigiling ang kamera.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Judy Ann Santos Ryan Agoncillo

Juday sa 16 na taon nila ni Ryan: Being together is more than enough for me

MA at PAni Rommel Placente SIXTEEN years nang kasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. At sa …

Kim Chiu sexy

Kim tapos na sa teeny bopper image, alindog inilantad 

MA at PAni Rommel Placente SA bagong serye ni Kim Chiu, katambal ang ka-loveteam na si Paulo …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian

Direk Jeffrey pinalampas pagiging antukin ni Angelica 

I-FLEXni Jun Nardo INAANTOK habang bina-blocking ni direk Jeffrey Jeturian ang idinirehe niyang si Angelica Panganiban sa isang series. …

Mr M Johnny Manahan MVP MediaQuest

Star Maker Mr. M pumirma na sa MediaQuest Group

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL nang pumirma ang entertainment icon, director, at star maker na …

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …