ANO itong narinig natin na ang tangi raw nakikinabang sa pera ng BUKLAT ‘este BUKLOD ng mga Manggagawa ng BI ay mga investor na may kakayahang mag-invest nang malaking pera sa samahan?
Kung ikaw ay isang simpleng empleyado na may minimum contribution lang, wala ka raw legal personality sa BUKLOD.
Wala kang “K” o karapatan kumbaga!
Kung ikaw naman ay may naiambag na medyo malaking pera, siyempre iba ang iyong “arrive!”
E kasi nga raw ang isang empleyado na nagre-rely lang sa kanyang contribution kapag nag-apply ng personal loan sa BUKLAT ‘este BUKLOD ay magpapabaha muna ng luha at sama ng loob bago aprubahan ang loan?
Awwts!
At kung ikaw naman ay isang big investor ay mabilis pa raw sa alas-kuwatro na makukuha mo agad ang iyong perang ini-loan.
Ayayay!
And take note: Kahit umabot pa raw more than the maximum allowable limit na singkuwenta mil ay bibigyan ka, ora mismo?!
That’s unfair!
May mga BUKLOD officers pa nga raw na umaabot sa milyon ang pera pero bihira raw miyembro ang nakaaalam ng mga hokus-pokus dahil limitado lang daw ang may access sa account ng samahan.
Homaygad!
Not only that!
Umaabot na umano sa ilang taon at hindi na nga raw nagbabayad ang ibang officers diyan at lahat ay minamaniobra na sila-sila lang ang nakaaalam.
Tsk tsk tsk!
That’s so bad to hear…
‘Di raw nila alam kung well-managed ang pera ng samahan pero sa nangyayaring kutsabahan sa loob, hindi malayo na balang araw ay magkaletse-letse ang perang kontribusyon ng mga empleyado ng Bureau.
Ipinararating lang po sa BUKLOD ang mga hinaing na naririnig natin mula sa ilang BUKLOD members.
Any comment on this issue, BUKLOD prexy, Atty. Sadiasa?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap