BIGLANG naalarma at nayanig ang mga opisyal sa Bureau of Immigration (BI) matapos muling umugong nitong nakaraang linggo ang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
Kamakailan ay sinibak ang isa sa mga USEC ng Department of Budget and Management na si Usec. Gertrudo “Ted” de Leon.
Kasunod nito, umugong na isa raw sa tatamaan ang isang high ranking official ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa pinapangalanan!
Naku, naloko na!
Para raw mga dagang costa na lumundag ang ilang ‘sulsultants’ na nakapaligid sa three high ranking BI officials na sina Commissioner Jaime Morente at Deputy Commissioners Toby Javier and Aimee Torrefranca-Neri.
Natural dahil halos hindi pa nga nag-iinit sa puwesto ang tatlo pero ngayon ay may rigodon na agad sa BI?!
Hindi rin lingid sa kaalaman na ‘very juicy’ ang kanilang puwesto kaya kahit hindi pa naaamyendahan ang bagong Immigration law ay marami ang hayok na makapuwesto sa BI!
Sana naman ay hindi totoo ang mga kumakalat na balita. Dahil sa tingin natin, wala ngayong problema sa ahensiya at kahit wala pang overtime pay ay kontento ang mga tao sa leadership nina Commissioner Morente, et al.
Malaki ang tulong ng mga nasa paligid nila kung talagang gusto pa nilang mapanatili sa puwesto ang kanilang mga bossing.
Medyo hinay-hinay lang sa kanilang mga diskarte at lalo sa mga ‘urot’ dahil madalas ito ang dahilan kung bakit nakakanal ang kanilang mga panginoon!
Oo naman?!
Envy is the root cause of all evil!
Tama ba tayo diyan, Inday Garutay?!
Since lahat ay nakikinabang sa leadership ng tatlong commissioners, bakit hindi na lang makontento ang ilan at pabayaan ang kasalukuyang takbo ng ahensiya?
Anyway, kahit wala naman OT pay ‘di ba masaya pa rin ang majority sa Bureau?
ATM, hanging and waiting pa ang lahat sa announcement ng Malacanañg sa napipintong balasahan.
Kaya kung gusto pa ninyong magtagal sa puwesto sina Commissioners Morente, Javier at Neri bakit hindi magtulungan para magkaroon sila ng magandang accomplishments upang hindi manganib sa kanilang mga trono!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap