DALANG-DALA (as in fed up) na ang isang concert producer sa kawalan ng propesyonalismo ng isang male singer sa mismong pagtatanghal nito para pa mandin sa anibersaryo ng kanyang maraming taon sa pagkanta.
Himutok ng produ, ”Saan ka ba naman nakakita na mismong pictorial na niya para sa anniversary concert niya, eh, late pa siyang dumating? Nakakagalit!”
Ang siste, umaga ang call time para sa shoot na ang mga picture ay gagamitin sa ikakalat na poster. ”Alas nuwebe siyang sinabihan na dapat, nandoon na siya sa venue. Siyempre, memeyk-apan siya, may wardrobe change dahil alangan namang isa lang ang isuot niya. Kamukat-mukat mo, palubog na ang araw nang dumating siya!”
Sinisisi rin ng produ ang kanyang sarili dahil winarningan na siya noon pa ng mga nakatrabaho ng singer, ”Matigas din kasi ang ulo niyong produ. Band rehearsal nga, eh, late rin dumarating ang lolo mo, ‘no! Ano ‘yon, siya lang ang inaantay bago magsimulang mag-ensayo? Hmp! Isinusumpa ng produ na huling beses na siyang makikipagtrabaho sa singer na ‘yon!”
Da who ang pasaway na male singer na kung kailan tumanda ay at saka pa naging unprofessional? Itago na lang natin siya sa alyas na Ricky Macapuno.
(Ronnie Carrasco III)