Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Male TV host-comedian, nag-ala macho dancer nang malasing

GRABE pala kung malasing din ang isang male TV host-comedian na ito. Nasaksihan kasi ng kanyang mga nakasamang mag-show sa Guam kung gaano ito ka-wild.

Narito ang tsika, ”’Di ba, ang image niya, eh, isang wholesome TV host at komedyante? Pero magugulat ka na lang, ‘Day, sa mga pinaggagagawa ng aktor na ‘yon after noong mag-perform silang mga artista ng isang TV network, hitsura ng macho dancer na naghuhubad!”

Ayon sa mga nakapanood ng “bold show” niya, katuwaan daw ang nangyari nang maisipang mag-relax ang grupo niya sa isang bar sa nasabing US territory.

“Kaso, parang nag-eskandalo na ‘yung lolo mo. Sukat ba naman na noong mabangenge na, sumampa siya sa ibabaw ng mesa at pagiling-giling. Maya-maya, hinubad na niya ‘yung pang-itaas niya. At noong ganahan na sa pag-indak, binuksan na niya ‘yung zipper ng pantalon niya! Siyempre, tilian ang audience pero karamihan doon, eh, nadesmaya sa kanya. Buong akala kasi nila, eh, wholesome ang lolo mo, balahura rin pala!” sey ng aming source.

Da who ang feeling macho dancer na TV host-comedian? Itago na lang natin siya sa alyas na Bongbong Navarrete. 

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …