Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Undefeated champion si Miguel Tanfelix sa All-Star Videoke

Ika-apat at huling linggo na ni Miguel Tanfelix bilang All-Star Videoke defending champ, ito na rin ang pagkakataon niyang maiuwi ang Super-Oke prize na brand new car at ang mga naipon niyang pera sa BankOke! Siya na kaya ang tatanghaling 1st ever Super-Oke Prize Winner na makakapag-drive pauwi ng brand new SUV?

Pero wait, kailangan niya munang harapin ang isa sa anim na “Videoke Stars” na makiki-Halloween party this Sunday; ang inyong favorite radio personalities na sina Chris Tsuper, Nicole Hyala, Papa Dudut at Joyce Pring. Sinamahan pa sila ng other half ng dubsmash duo na Moymoy Palaboy na si Roadfill at ang feeling-birit diva na si Adelantada!

Pakikiligin naman tayo ng tambalang Ken Chan at Barbie Forteza dahil sila ang uupong “All-Star Laglagers” pero sina Barbie at Ken…mukhang sasapian ng ibang elemento dahil kakila-kilabot daw ang gagawin nilang panlalaglag sa mga “Videoke Stars!”

Rarampa at may pa-Halloween party si Arianne Bautista sa mga kalsada sa aming KalyeOke!

Kaya samahan natin sina videoke babe Solenn Heussaff at videoke expert Betong sa laglagan, tawanan at kantahan, dagdagan pa ng katatakutan…

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …