TAGUMPAY si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagtatatag ng “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines” nitong nakaraang Lunes, 23 Oktubre 2017.
Marami ang sumuporta sa pagtatatag ng nasabing organisasyon na ang pangunahing layunin ay labanan ang mga manggugulo o destabilizers.
Hindi na tayo magtataka kung bakit marami ang sumuporta, hindi kasi kayang tawaran ang kredebilidad ni Inday Sara.
Kaysa naman sa kung sino-sino lang na nasa paligid ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na laging ligwak ang kredebilidad, kaya nadadamay ang presidente.
Iisa lang ang interes ni Inday Sarah, suportahan at ipagtanggol ang ama na walang ibang layunin kundi ang iligtas ang bansa sa mga puwersang walang ginawa kundi ang manggulo sa gobyerno, ibaon sa kahirapan ang mamamayan, at huthutan nang huthutan ang sambayanan.
Kapag hindi napagbigyan ang kanilang gusto, parang mga batang nagmamarkulyo na kung ano-anong destabilisasyon ang ibinabanta sa pamahalaan.
Kaya bilang pagpapakita ng buong suporta sa kanyang ama, pinangunahan ni Inday Sara ang inisyatiba na buuin ang nasabing organisasyon at itinatag sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City, Taguig City.
“This is an alliance of groups who believed in the President and trusted his vision of change for the Philippines — a nation long besieged by systemic and deeply rooted woes brought by poverty, corruption, peace and order issues and narco-politics. We [will] stand together and [be] firm in our decision to fight for our country, vowing to resist interests and forces out to topple a democratically chosen leader of the nation,” pahayag ng grupo sa kanilang Facebook page.
Babantayan umano nila ang kalayaan laban sa mga taksil sa Filipinas at patuloy na ipinagkakanulo ang economic stability at ang awtoridad ng gobyerno.
May nasipat lang tayong isa na tila hindi papasa sa pamantayan ni Inday Sara, dahil ‘yun ay tapat sa kurakot! Hik hik hik.
Biglang nakisiksik kahit hindi naman sinuportahan si Tatay Digs noong eleksiyon.
Ang “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines” ay magiging umbrella organization ng lahat ng mga sumuporta kay Tatay Digong noong tumakbo siyang Presidente noong May 2016.
Koalisyon umano ito ng laborers, teachers, overseas Filipino workers, artists, doctors, estudyante, retirees, young professionals, teachers, lawyers, artists, engineers, businessmen, nurses, writers, lesbian, gay, bisexual and transgender community members, ganoon din ng mga Lumad, Muslim, persons with disabilities, sidewalk vendors, housewives, mga mangingisda, mga magsasaka at mga government workers.
Hindi tayo nagtataka kung bakit naabot ni Inday Sara ang ganito kalawak na koalisyon…
Kilala kasi siyang matapang, may malasakit at may isang salita si Atty. Sara Duterte.
Padayon Inday Sara!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com