FINALLY, Joshua Garcia candidly admits that he and Julia Barretto are positively in love with each other.
Maganda raw ‘yun dahil isa ‘yun sa mga factor kung bakit inspired silang magtrabaho.
Patunay rito ang pag-attend ni Joshua sa birthday celebration ng half-sister ni Julia na si Dani Barretto last Saturday evening.
Sa nasabing occasion, biglang napaamin si Julia na in love siya sa binata.
This is based from the Instagram story of Erich Gonzales, Julia’s close friend who also attended Dani’s birthday bash.
Kinunan ni Erich ng video sina Julia at Joshua habang nakatayo sa tabi ng buffet table and Julia gushingly stated, “Guwapo, no?”
On her part, Erich said that she thinks Julia’s in love.
Pagkompirma naman ni Julia, “I think so, too!”
Last October 24, Joshua said that he’s happy that Julia confirms her feelings for him.
Wala raw naman masama at masaya raw siyempre siya.
Anyway, ibinalitang mapapanood na raw ang Love You To The Stars And Back nina Julia at Joshua sa online streaming service ng iflix.
At any rate, positive vibes ang dala ng relasyong Joshua at Julia dahil boto sa young actor ang pamilya Barretto pati na ang ama ni Julia na si Dennis Padilla.
Totoo bang si Joshua ang unang lalaking ipinakilala niya sa kanyang ama?
Si Joshua raw ang unang lalaking ipinakilala ni Julia sa kanyang ama for the simple reason that she believes that what they have is something positively good.
“Alam kong makakasundo siya ni Papa,” Julia asseverated. “So, nagkasundo naman.”
Si Dennis raw ay parang ama lang ni Joshua ang peg. Mabait pero ibang klase kapag nagagalit.
“So, kapag nag-bonding kaming tatlo,” he said as an after thought, “talagang nagkakaintindihan kami.
“Kasi siyempre, para siyang tatay ko rin, e.”
‘Yun nah!
UNDEFEATED CHAMPION
SI MIGUEL TANFELIX
SA ALL-STAR VIDEOKE
Ika-apat at huling linggo na ni Miguel Tanfelix bilang All-Star Videoke defending champ, ito na rin ang pagkakataon niyang maiuwi ang Super-Oke prize na brand new car at ang mga naipon niyang pera sa BankOke! Siya na kaya ang tatanghaling 1st ever Super-Oke Prize Winner na makakapag-drive pauwi ng brand new SUV?
Pero wait, kailangan niya munang harapin ang isa sa anim na “Videoke Stars” na makiki-Halloween party this Sunday; ang inyong favorite radio personalities na sina Chris Tsuper, Nicole Hyala, Papa Dudut at Joyce Pring. Sinamahan pa sila ng other half ng dubsmash duo na Moymoy Palaboy na si Roadfill at ang feeling-birit diva na si Adelantada!
Pakikiligin naman tayo ng tambalang Ken Chan at Barbie Forteza dahil sila ang uupong “All-Star Laglagers” pero sina Barbie at Ken…mukhang sasapian ng ibang elemento dahil kakila-kilabot daw ang gagawin nilang panlalaglag sa mga “Videoke Stars!”
Rarampa at may pa-Halloween party si Arianne Bautista sa mga kalsada sa aming KalyeOke!
Kaya samahan natin sina videoke babe Solenn Heussaff at videoke expert Betong sa laglagan, tawanan at kantahan, dagdagan pa ng katatakutan…
All-Star Videoke! Sunday after 24 Oras Weekend sa GMA-7!
BASHER, TINAWAG
NA PANGIT AT BITTER
NI ELLEN ADARNA!
Walang takot na tinarayan ni Ellen Adarna ang basher na tinawag siyang baliw and who openly said that she hasn’t done anything good for her country.
Nagsimula ang panlalait ng basher nang mag-post sa Instagram si Ellen ng panoramic view of the alps in Gornergrat, Switzerland, last Monday.
Binisita nila ng kanyang rumored boyfriend na si John Lloyd Cruz recently ang European country and nag-ski silang dalawa.
Sa comments section ng kanyang post, the netizen openly criticized Ellen.
Ikinompara ng basher si Ellen kay Solenn Heussaff na pinuri niya sa kanyang bonggang recent art exhibit.
The netizen said that Adarna is fast becoming crazy. Bakit hindi na lang daw gumawa ng magagandang bagay sa Filipinas.
Buti pa raw si Solenn at ang ganda ng ginawa para sa Filipinas. ‘Yung kalsada painting raw nito ay remarkable talaga.
Solenn’s second art exhibit is called Kalsada and it opened last week. Inspired ito by the people she gets to meet on the streets in the country.
Infuriated, Ellen did not take the comment sitting down.
“Ikaw,” she hissed at the basher, “rin wala kang ibang nagagawa kung di maging troll or mang-bash.
“Mas malala ka pa hahahaahahahahhahhah!!!” she guffawed while insulting the basher.
She also called her “panget” and “bitter.”
“Panget ka pa, panget pa ugali mo, bitter pa,” she hissed at the basher. “Minsan (mag-isip) ng iba… ba’t pa natao mga ganyan.”
Majority of the netizens sided with Ellen and ranted at the basher for meddling with the actress’ personal affairs.
Anyway, Ellen and John Lloyd have been touring different countries for the past few weeks.
They went to Morocco, in Africa on the first week and went to France the week after that, before proceeding finally to Switzerland.
PHOEBE WALKER
IPINAGTANGGOL
SI COCO MARTIN!
Phoebe Walker is bursting with enthusiasm that she has been able to work with Coco Martin.
Agad dinepensahan ni Phoebe ang co-star na si Coco Martin sa isyung naninigaw raw sa set ng Ang Panday ang aktor. May kumakalat kasing balita na sinisigawan raw ni Coco ang cast ng pelikula kapag mainit raw ang ulo nito.
Si Coco ang tumatayong producer, director, at main lead ng remake ng pelikula na pinasikat ni Fernando Poe Jr. Ikino-consider ni Phoebe na napakasuwerte niya na mapabilang sa supporting cast ng remake nang isa sa entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.
When asked if it’s true that Coco Martin was acting like a highstrung director and would usually scream at the cast, Phoebe said that this is not the case. “Wala, wala, wala pa naman akong nai-experience na naninigaw siya,” she elucidated. “Siyempre, ‘pag inaabot kami ng dis-oras na ng umaga, minsan may mga nagkakamali, ‘di maiiwasan na minsan may kaunting inis factor.
“Sa stress na rin siguro ‘yun.
“Pero ‘yung manigaw ng ano, ‘di ko pa na-experience.”
“Masaya ako,” she elucidated. “I’m happy na nakatrabaho ko si Kuya Coco.
“Noong nagpo-promote ako for Double Barrel, nagpaparinig ako na sana maka-Probinsyano ako, gano’n, ganyan.
“Pero at least, naka-Panday naman ako at na-meet ko siya.
“Masaya, mabait siya, maalaga.
“Of course, marami siyang ginagawa on the set kasi director, actor, producer rin siya.
“On the set rin siya mag-isip, adlib kumbaga.”
Nang tanungin kung paano hinahati ni Coco sa set ang pagiging producer, director, at lead actor niya sa Ang Panday, sinabi ni Phoebe na ‘pag ‘di raw siya kailangan sa eksena, he stays behind the scene at may assistant director naman siya.
“Pag take naman niya,” she asseverated, “like nagkaroon kami ng fight scene, dini-direct niya ako mismo habang nagba-blocking kami.
“Mahirap, pero nag-invite kasi siya ng mga foreign teams to the stunts, so sila ang mga naging fight directors namin, sila Direk Lao.”
Kuwento ni Phoebe, big production raw ang Ang Panday at ‘di biro-biro ang dami ng tao na hinahawakan ni Coco.
“Kalaban ako roon,” she intimated, “Minion ni Jake Cuenca.
“Siya ‘yung pinakakalaban ni Coco Martin.
“Isa akong manananggal, magta-transform ako into manananggal.
“Maiksi lang, small participation lang.
“Eighty kami na artista raw — twenty na main tapos sixty kami na support tapos ‘yung mga iba na extra-extra.
“Marami, big cast.”
Naikuwento rin ni Phoebe na si Coco raw ang mismong namili ng mga suporta sa pelikula.
Excited rin ang aktres na makasama sa Metro Manila Film Festival parade this year.
“Sabi ni Tita Malou Crisologo,” averred Phoebe, “Kami raw minions, hinand-pick raw.
“Ewan ko kung saan ako nakita ni Kuya Coco, siguro sa kapaparinig ko sa press, napansin ako.
Si Malou Crisologo ang tumatayong supervising producer ng naturang pelikula.
Say ni Phoebe, tatlong floats daw ng Ang Panday ang magbibigay aliw sa fans sa gaganaping parada.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.