Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind mystery man

Dramatic actor, hinagisan ng shaving cream ang inutusang reporter

MASELAN pala sa good grooming ang mahusay na dramatic actor na ito.

Tsika ng aming source, ”Tandang-tanda ko pa ang temper tantrums ng lolo mo! Noon kasing kinaray-karay niya ang isang reporter sa Australia, nakalimutan ng aktor na ‘yon na isama sa bagahe niya ‘yung pang-shave  niya.”

Nadala naman ng actor ang kanyang pang-ahit, kaya nagpabili na lang siya roon ng shaving foam (hindi cream, ha?) doon sa reporter.

“Siyempre, that day, eh, may dadaluhang event ang actor kaya kailangan niyang magpapogi. Dahil lumalabas na sa mukha niya ‘yung bigote’t balbas na kailangang ahitin ay inutusan niyang bumili sa pinakamalapit na convenience store ang beking reporter.

“Kaso, ang nabili niyong baklita, eh, shaving cream, hindi pala ‘yun ang ipinabibili sa kanya ng lolo mo. Hayun, pagkaabot na pagkaabot ng reporter ng cream , eh, imbiyernang inihagis ‘yon ng actor. Mabuti’t nakailag ang kawawang baklita!”

Da who ang mahusay na aktor pero tinotopak din pala? Itago na lang natin siya sa alyas na Jun-Jun Ramirez. 

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …