Sunday , December 22 2024

Libelo

KAMAKAILAN ay sinampahan ng kasong libelo ni Senador Antonio Trillanes ang isang dating artista na ngayo’y nasa poder na matapos daw magkalat ng balita na may mga itinatago umano siyang lihim na bank account sa ibang bansa na naglalaman nang milyon-milyong piso.

Hindi na pagtutuunan ng Usaping Bayan ang detalye ng kaso pero susubukin ng pitak na ito na ipaliwanag sa nasabing dating aktres, na kaya nakaupo sa puwesto ay dahil sa sobrang pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte, kung ano ang libelo at baka sakaling makatulong ito sa kanya.

Ang libelo ay isa sa mga krimen na pinaparusahan sa ating bansa ng pagkakabilanggo at multa ayon sa Artikulo 353 hanggang 362 ng Ikalawang Aklat ng ating Revised Penal Code (RPC). Ang probisyon na ito ay pinagtibay bilang batas noong 8 Disyembre, 1930. Dapat din malaman na ang RPC ay halaw mula sa matandang Codigo Penal ng Espanya.

Ayon sa RPC ang libelo: “ay isang malisyosong pagbibintang ng krimen o bisyo o kakulangan sa katauhan, totoo man o hindi, o kahit na anong kilos o hindi pagkilos, katangian o sirkumstansiya na nauuwi sa kawalan ng pagtitiwala o kasiraang puri o pagkakalait ng isang likas o kinathang katauhan ng batas, o pagkakayurak sa alaala ng isang yumao.”

May apat na elemento ang krimeng ito na kung wala ang isa ay hindi maituturing na nagkaroon ng krimeng libelo. Ang mga ito ay ang sumusunod:

• Pagbibintang (allegation)
• Paglalathala (publication)
• Pagkakakilanlan (identification)
• Malisya (malice).

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng Kapitolo 4 (c)(4) ng Republic Act 10175 (Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012) ang saklaw ng krimeng libelo ay pinalawak sa mga artikulo na nakaposte sa internet, lalo sa social media. Dati-rati ang mga tradisyonal na limbag lamang tulad ng pahayagan, libro, pampleto o ibang katulad nito ang sakop ng libelo.

Dapat mapansin na tanging sa krimeng libelo lamang napalalagay na kaagad may sala ang isang akusado. Ito ay salungat sa pangkalahatang prinsipyo ng ating paniniwala na ang isang akusado ay inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala.

Ang Artikulo 354 ng RPC ang patunay sa pagiging mapanupil at kontra pamamahayag ng batas na ito. Ito ang paboritong batas ng mga nasa poder at mga makapangyarihan na gustong patahimikin ang kanilang mga kritiko, lalo na ang mga bantay ng bayan tulad ng mga mamamahayag. Hindi kataka-taka na kung susuriin ay parang isiningit lamang ang Chap 4 (c)(4) sa RA. 10175.

Kakatwang sa kabila ng pahayag ng United Nations Human Rights Committee na kinokondena ang libelo bilang krimen ay pinalawak ng mga makapangyarihan sa ating bayan ang saklaw ng libelo.

Ayon sa UNHRC ang krimeng libelo ay laban sa karapatang sibil at politikal ng isang indibidwal.

Hindi tutol ang Usaping Bayan sa RA. 10175, maliban sa Chap. 4 (c)(4) ng batas na ito. Tama na maging responsable ang gumagamit ng internet. Subalit hindi tama na lalong supilin ang malayang pamamahayag.

Sa ngayon ay dapat lalong pag-ibayuhin ang kilos upang madekriminalisa ang libelo at mabigyang buhay ang Freedom of Information Act na pinirmahan ni Pangulong Duterte.

***

Kakasuhan daw ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Caloocan City Rep. Baby Asistio kaugnay sa PDAF scam. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *