Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Concert ng Actors Guild, SRO

WALA mang sumipot sa ikinokonsiderang mga young star na sikat ngayon sa concert ng Actors Guild sa Skydome SM North Edsa kamakailan, marami naman ang nanood.

Standing ovation ang lugar na dinumog ng maraming manonood.

Ang naganap na concert ay pinamunuan ng pangulo ng Actors Guild na si Imelda Papin.

Nakiisa sa concert ang Hagibis headed by Sonny Parson na talaga namang pinalakpakan. Naroon din si Marco Sison.

Ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit wala sina Rico Puno at Rey Valera?

Naroon din sina Darius Razon na walang kupas ang ganda ng tinig, Patricia Javier, Angelica Jones, Mahal, Elizabeth Fonda, LA Santos,  Gary Cruz, Emma Cordero, at Eva Eugenio. Dumating din sina Manny Paksiw at Tatlong Pinoy at Jackson Twona nagpatawa sa crowd.

Nagpakitang gilas din ang ilang senior citizen na sumaw ng Bao Dance.

Nakiisa rin si Toni Gonzaga subalit hindi naman nakarating si Coco Martin. Sayang at hindi niya nakita ang pagkakaisa ng mga artista.

PAKIKIRAMAY
KAY AZENITH

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa asawa ni Azenith Briones na nadamay sa sunog at gulong nangyari sa Resorts World Manila kamakailan.

Namatay ang asawa niyang si Eleuterio Reyes nang magwala ang isang natalo sa sugal. Dapat talagang isumpa ang pagsusugal dahil kahit kailan walang magandang naidudulot ito.

Our deepest condolences kay Azenith at sa pamilya naiwan ni Mr. Reyes.

(VIR GONZALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …