Monday , December 23 2024

38 namatay sa RWM dahil sa ‘lockdown’

00 Kalampag percyINAAKSAYA lang ng mga mambabatas ang panahon at pondo ng bayan kung wala naman silang batas na maipapasa para hindi na maulit ang malagim na insidenteng naganap sa pasugalang casino ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City noong nakaraang linggo.

Ang mas importante ngayon ay masi-gurong mapapanagot ang management at exe-cutives ng RWM sa kanilang kasalanan, kaysa paglikha ng batas na wala namang garantiya na maipatutupad.

Makagugulo lang ang imbestigasyon ng Kamara at baka magsilbi pang dahilan para sa bandang huli ay maabsuwelto ang RWM na mapanagot sa pagkamatay ng 38 katao.

Masyado naman yatang apurado at adelantado ang mga mambabatas, gayong ang mga biktima ay hindi pa nga naililibing ng kanilang pa-milya.

Ang hirap dito sa atin, laging may mga gago na gustong pagkakitaan ang trahedya para sila ang magkapera.

Sana, ang imbestigahan ng mga mambabatas ay kung ano ang napapala ng mamamayan sa casino at mga pasugalan, tulad halimbawa sa Macau at Las Vegas na libre sa buwis at may magagandang benepisyo ang mga mamamayan.

Walang binatbat sa atin ang Las Vegas at Macau kung ang pag-uusapan ay mga pasu-galan, kung tutuusin.

Dito sa atin may pinakamaraming sugal, tulad ng sabong na 24/7, karera ng kabayo, lotto, sweepstakes, at wala na yatang lugar sa bansa na walang e-games at iba pang online gambling.

Hindi pa kasali riyan ang illegal gambling na jueteng, color games, video karera, at ultimo cara y cruz o tatlo’t wala ay mayroon hanggang sa loob ng mga bilangguan.

Sapat nang panagutin ang RWM management sa hindi pagpapatupad ng Presidential Decree No. 1067-B at Memorandum Circular No. 06 na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na pumasok at magsugal sa mga casino.

Si Jessie Carlos na naghasik ng lagim sa RWM ay isa sa hindi nabilang na empleyado at mga opisyal ng gobyerno na pinayagang makapasok at makapagsugal sa mga casino.

Bukod sa palpak na seguridad, ang “LOCKDOWN” na ipinatupad ang dahilan kaya nakulong at hindi nakalabas mula sa loob ng RWM ang mga nasawi sa insidente.

Dapat lamang panagutin ang mga promotor at may ideya ng lockdown sa RWM.

CLASS SUIT VS RWM

TAMA lang ang binabalak na paghahain ng CLASS SUIT ng pamilya ng mga biktima laban sa RWM.

Nakatakda raw magpulong ang mga namatayan para sa pagsasampa ng class suit laban sa RWM kapag nailibing na ang mga biktima sa naganap na trahedya.

Mahirap iasa ng mga naulila sa mga imbestigasyon ang katarungan sa sinapit na trahedya, lalo’t ang dapat managot ay malaking isda na may kakayahang tapalan ng salapi ang hustisya.

Hindi imposibleng matulad sa ibang trahedya ang mangyari kapag sa mga buwitreng nasa pa-mahalaan sila umasa ng katarungan at baka sa bandang huli ay sa Panginoong Lumikha pa isisi ang kanilang kasalanan at tawaging Act of God ang trahedya.

Ito rin ang hakbang na agad nating iminungkahi noong Lunes ng gabi sa ating programang Lapid Fire sa Radio DZRJ (810 Khz/AM) na dapat gawin ng mga naulila.

Hinihingi ng mga namatayan ang paliwanag kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik sa kanila ang PERSONAL BELONGINGS ng mga biktima tulad ng alahas, pera at iba pang mahahalagang kagamitan.

Kung SUFFOCATION nga naman ang ikinamatay ng mga biktima ay tiyak na buo pa ang kanilang mga dala-dalang  kagamitan na obligas-yong ibalik ng RWM at ng Philippine National Police (PNP) sa mga naulila.

Nakapagtataka nga naman kung bakit inabot nang ilang araw bago nailabas sa loob ng RWM ang bangkay ng ilan sa mga nasawi.

Inirereklamo rin nila ang karumal-dumal na pagtrato ng ilang punerarya na pinagdalhan sa labi ng mga namatay.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *