Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sa pag-alis ni Sharon patungong US, Kiko, may mensahe

THIS week naman ay babalik na rin ang megastar na si Sharon Cuneta, na bumiyahe ngang mag-isa sa US para magpalipas muna ng sama ng loob. Inamin ni Sharon sa kanyang social media post mismo na nasaktan siya sa ilang mga pangyayari, at disappointed siya sa ibang mga bagay.

Mabilis namang nagbigay ng statement ang kanyang kampo pagkatapos na hindi naka-recover agad si Sharon sa pagkamatay ng composer na si Willie Cruz, na naging bahagi ng kanyang music career. Sa totoo lang, hindi namin alam na ganoon pala katindi ang pinagsamahan nina Sharon at Cruz. Hindi naman naging ganyan ang paghihimutok niya sa pagyao ng iba pang naging bahagi ng kanyang career noong araw.

Mabilis ding nagpadala ng text message ang kanyang asawang si Senador Francis Pangilinan sa TV Patrol na nagsasabing mahal na mahal niya ang megastar, at hindi niya alam kung paano magiging ama sa kanilang mga anak kung wala iyon. May sinabi pa siyang wala siyang ibang minahal kundi ang megastar. Nag-iisip kami, bakit nga ba kailangan ang ganyang statement eh umalis lang naman si Sharon dahil sa sama ng loob at ibang disappointments at hindi naman niya sinabing disappointed siya sa kanyang asawa. Maaaring career ang dahilan dahil tagilid din naman ang takbo ng kanyang career.

Minsan iyang mga ganyang sala-salabat na statements ay hindi rin maganda. Kung iyong pangyayari ay pinabayaan na lang nila tutal naman pala after a week uuwi na si Sharon, eh ‘di sana tahimik nang natapos ang mga usapan kung ano mang issues mayroon. Pero dahil sa naglabasan pang mga statement sa media, na obviously hindi talaga directed kay Sharon kundi sa publiko, parang wala sa ayos at hindi napag-isipan nang husto.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …