Friday , November 15 2024

Illegal terminal queen sa Maynila lagot sa NBI

00 Kalampag percyPINAKAKASUHAN ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang sinomang opisyal ng barangay na babalewalain ang kampanya laban sa mga illegal parking at illegal terminal ng mga sasakyan sa lansangan.

Tiyak na nangangatog na ang operator na nagkakamal sa pinakamalaking illegal terminal ng mga kolorum na sasakyan sa Maynila na nakasasakop sa Liwasang Bonifacio  at Plaza Lawton na pinagkakakitaan din ng City Hall.

Inatasan ng pangulo si Tim Orbos, ang pansamantalang hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na lansagin ang mga illegal na paradahan ng sasakyan sa kahabaan ng Roxas Blvd. at mga kalsada sa Maynila.

Ang marching order ng pangulo kay Orbos ay arestohin at sampahan ng kaso sa Ombudsman pati ang mga opisyal ng barangay na protektor ng mga illegal terminal at paradahan.

Tandem ng MMDA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paglalansag ng sindikato dahil may mga pulis na nakasawsaw at nakikinabang sa limpak na kita ng mga illegal terminal.

Aywan lang natin kung magagamit na tsapa ng bruhang reyna ng illegal terminal na padrino sa NBI at MMDA ang among si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada at ang Manila Police District (MPD).

Abangan!!!

ARGUMENTONG PULPOL

SAAN kaya hinugot ng bar topnotcher na abogadong si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang dispalinghadong argumento na hindi raw katiwalian ang dahilan kaya sinibak ni Pres. Rodrigo R. Duterte na kalihim si Ismael ‘Mike’ Sueno sa Department of Interior and Local Government (DILG)?

Sabi ni Koko, ‘loss of trust and confidence’ o pagkawala ng tiwala at hindi corruption ang tinukoy na dahilan ni Pres. Digong sa pagsibak kay Sueno.

Parang hindi nagbabasa at nakikinig ng balita si Koko na pawang issue tungkol sa katiwalian ang nakarating na sumbong sa pangulo laban kay Sueno.

Ang mga issue ng katiwalian na ikinaila ni Sueno ay ang mga sumusunod:

1) Sa kapatid daw niya at hindi siya ang may-ari ng bagong hotel sa South Cotobato;

2) Sa anak at hindi raw kanya ang negosyo ng mga bagong truck;

3) Ang kagulat-gulat na paglago ng kanyang malaking farm;

4) Pagkanlong sa ilang local officials na kasama ang pangalan sa listahan ng mga sangkot sa ilegal na droga;

5) Pagtanggap ng payola mula sa ilegal na jueteng; at

6) Maanomalyang kontrata ng firetrucks.

Ayon sa report, itinuloy ni Sueno ang maanomalyang kontrata sa firetruck na pinasok ng nakaraang administrasyon mula sa bansang Austria sa kabila na may nakabinbin pa itong kaso sa Korte Suprema.

Paano nga naman kung lumabas ang desisyon ng mataas na hukuman at madeklarang ilegal ang kontrata sa firetrucks?

At kung wala nga namang payola sa DILG, bakit may jueteng?

Maliwanag na katiwalian ang dahilan ng loss of trust and confidence o pagkawala ng tiwala ni Pres. Digong kay Sueno.

Bebenta lang ang katulad na argumento ni Koko sa mga nabibili ang kausap.

CLEANSING KONTRA
KATIWALIAN

ALAM na ni Pres. Digong marahil kung sino ang ilan sa mga dati at bago niyang kasama ang hindi na dapat magtagal upang maisakatuparan ang ipinangakong pagbabago.

Sinibak rin na undersecretary si Maia Chiara Halmen Valdez sa Department of Agriculture (DA).

Si Valdez ay appointee pa ni PNoy, pero lumalabas na ngayon ay ‘bata-bata’ naman siya ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.

Alam na nga na allergic si Pres. Digong pagdating sa rice smuggling ay sukat ba namang ipilit pa rin ni Valdez na paboran ang rice import na pumapatay sa ating mga magsasaka.

Mukhang desidido talaga ang pangulo na magsagawa ng totohanang ‘cleansing’ o paglilinis para paghandaan ang kampanya kontra katiwalian sa pamahalaan at bawasan ng pabigat na bagahe ang kanyang administrasyon.

“I will continue to fire people – (at) the first whiff, maamoy ko lang, maski na hindi totoo (if I just smell something, even if it is not true), you’re out,” anang pangulo.

Mukhang desidido talaga ang pangulo na magsagawa ng totohanang ‘cleansing’ o paglilinis para paghandaan ang kampanyang ilulunsad kontra katiwalian.

Ibig lamang sabihin, nagbabawas si Pres. Digong ng mga bagahe na pabigat lang sa administrasyon.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *