Monday , December 23 2024

Mayor Lim magsasalita sa isyu ng vote-buying; Iregularidad, ibubulgar

00 Kalampag percyNAKATAKDANG magsalita si Mayor Alfredo Lim upang ibulgar ang mga iregularidad at malawakang vote-buying na naganap sa eleksiyon noong nakaraang taon sa Maynila.

Panauhin ngayong umaga si Lim sa Kapihan sa Manila Bay, isang forum ng mga aktibong print at broadcast media practitioners na lingguhang idinaraos sa Café Adriatico sa Malate.

Liliwanagin ni Lim na wala pang pinal na desisyon ang dalawang magkahiwalay na protesta at kaso na inihain ng kanyang kampo laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada noong nakaraang taon.

Katunayan, pinaiimbestigahan ng Commission on Elections (Comelec) First Division sa Legal Department ang mga paglabag sa batas kaugnay ng malawakang vote-buying na naganap sa Maynila at ang ilegal na pagkakaproklama kay Erap ng City Board of Canvassers (CBC).

Naghain na rin agad ng motion for reconsideration sa Commission en banc ang kampo ni Lim na kumukuwestiyon sa mga kamalian ng desisyon na inilabas ng Comelec first division.

SUNDIN SI PRRD
SA DAPAT IBOTO

MAY importanteng mensahe si Pres. Rodrigo R. Duterte sa mga mamamayan sa bahagi ng kanyang talumpati sa pulong ng PDP na idinaos sa Palasyo nitong Linggo ng gabi.

Hindi dapat balewalain ang mahalagang mensahe ni Pres. Digong sa mamamayang botante na isaalang-alang ang kapakanan ng pamilya, lalo ang ating mga anak, sa pagboto ng mga manunungkulan sa pamahalaan.

Malimit din nating sabihin sa ating programa sa radyo ang katulad na mensahe ng pangulo na ibase sa “mabuting track record” ang pagpili ng mga iboboto.

‘DESTABILIZER
SI TRILLANES’

NGAYON lang pala nakahalata ang noo’y iniidolo kong si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na si Sen. Antonio Sonny” Trillanes IV ang isa sa mga nasa likod ng destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pres. Digong.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tahasang ipinagmalaki ni Lacson na siya man ay gumanap ng papel sa destabilisasyon noon laban naman kay dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo na siya namang papel ngayon ni Trillanes laban kay Pres. Digong.

Ani Lacson, “Naging part ako ng destabilization during the past administration, not under President Aquino, before that. And I know a destabilization activity when I see one. So ‘yan, naging basehan kung bakit parang this looks or this sounds familiar.”

‘Yan ang kung tawagin sa wikang Ingles na: “It takes one to know one.”

Kaya lang, hindi sinabi ni Lacson na ang destabilisasyon ay katumbas ng “treason” at “rebelyon” na isang malaking katrayduran sa bansa at mamamayan.

Hindi kaya nakasama pa kay Lacson ang kanyang pag-amin at lumabas tuloy na magka-uri lang sila ni Trillanes?

Ang isda raw ay sa bibig nahuhuli, ‘ika nga!

JINGGOY, BONG UMAMIN
NAGPAGAMIT KAY PNOY
    JUSTICE CORONA

NAALALA tuloy natin ang pag-amin ng pork barrel scam senators na sina Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr., na naging bahagi sila ng malaking sabwatan para mapatalsik sa puwesto si yumaong dating chief justice Renato Corona sa Supreme Court (SC).

Umamin sina Jinggoy at Bong na sila ay sinuhulan ni PNoy ng malaking pork barrel para tanggalin si Corona sa puwesto bunsod ng pabor na desisyon ng SC na pumabor sa interes ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita.

Ang kanilang pag-amin ay ginawa nang maipit sila, sa pag-aakala na malulusutan ang malaking atraso sa bayan kaugnay ng kasong plunder.

Kahabag-habag ang mga “bobo-tante” na nasisikmura pang iboto at pagtiwalaan ang mga tulad nilang traydor sa bayan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *