MAY nagkuwento sa amin kung bakit sobrang bigay sa acting si Sylvia Sanchez sa
The Greatest Love na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes.
May pinaghuhugutan kasi ang aktres mula sa kanyang buhay. Nasa isipan nito ang nanay-nanayang talent manager na yumao kamakailan si Cornelia Lee o mas kilala sa tawag na Angge.
Isa si Sylvia sa tumulong kay Angge sa isang taong pagkaratay nito.
Hindi akalain ni Sylvia na maiiwan na sila ng nanay-nanayan niya na pinanghihinayangan niya na hindi siya napnood nito sa kauna-unahang proyektong pinagbidahan.
SHOWBIG – Vir Gonzales