Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maxene, graceful exit ang pag-aasawa

PINAG-UUSAPAN nila ngayon, engaged na pala si Maxene Magalona sa kanyang boyfriend. Ibig sabihin baka hindi magtatagal ay pakakasal na silang dalawa. May mga nagsasabing parang bata pa si Maxene para lumagay sa tahimik pero kung gusto ba niya iyon eh, ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino.

Isa pa, masasabi nga sigurong ang pag-aasawa ay isang graceful exit na rin para kay Maxene. Kung napansin ninyo napakaganda ng kanyang simula. Ginawa siyang bida agad sa mga teleserye noon, pero ewan kung bakit unti-unting nawala ang kanyang mga assignment. Lumipat pa siya ng network sa pagbabaka-sakaling mas magkaroon siya ng career, pero wala pa ring nangyari.

Kung iisipin mo ok din naman siyang umarte, pero ewan nga ba kung bakit ganoon ang kinabagsakan ng kanyang career. Dahil ba iyon sa network talaga, sa kanyang management, o sa kanya?

Kung iisipin, marami pa namang chance. Maaari nga siguro siyang lumabas kahit na sa supporting roles na lang, tutal maraming mga malalaking stars noong araw na nagsu-support din naman ngayon dahil hindi nga maikakaila na ang kanilang popularidad ay na-overtake na ng mga bagong stars.

Isa pa, ano naman ang masama kung gumawa muna ng supporting roles?

Pero hindi nga ganoon ang nangyari kay Maxene. Sa halip, basta tumamlay na lang ang kanyang career hanggang sa hindi na natin siya halos napapanood sa telebisyon. Kung tutuusin, dapat nga sana ang isipin nila ay kung paano maibabangon ang kanyang career, kaso pinabayaan na lang nilang tumagal nang tumagal na ganoon lang. Kaya ngayon kung mag-asawa man iyang si Maxene, baka nga mas ok na iyon. Malay mo baka kung maging nanay na siya, may mabuksan pa nga uling mga pagkakataon para sa kanya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …