Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mamang Pokwang, kabado sa I Can Do That

WALANG sinabing halaga kung magkano ang mapapanalunan ng mga kasaling celebrities sa inaabangang I Can Do That, bagong reality show ng Kapamilya Network na magsisimula na sa March 11 hosted by Robi Domingo at Alex Gonzaga.

Nanindigan ang buong production team nito na malaki ang paglalabanang premyo ng walong celebrities na sina Mamang Pokwang, Daniel Matsunaga, Gab Valenciano, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Wacky Kiray, Arci Munoz, at JC Santos.

Mismong si Mamang Pokwang na rin ang nagsabing medyo mabibigat  na task ang kani-kanilang gagawin sa kabuuan ng reality show. Kabado nga si Mamang pero nanindigan itong sa dinami-rami ng kanyang pinagdaanan ay nasisiguro niyang malalampasan ang mga tatahaking challenges sa show.

Mukhang masaya naman si Mamang Pokwang sa itinatakbo ng kanyang karera dahil sa totoo lang ay sunod-sunod ang biyayang dumarating sa kanya. Hindi na rin idinetalye ni Mamang ang mga kaganapan ngayon sa kanyang pribadong buhay lalo na ang kanyang lovelife dahil kitang-kita namang masaya siya at mukhang walang problema.

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …