Friday , November 15 2024

Betrayal of public trust at ang death penalty bill

00 Kalampag percyLIGTAS na ang sinomang gagawa ng heinous crime o kasuklam-suklam na krimen oras na maipasa at maisabatas ang muling pagbuhay sa Death Penalty Bill na niluluto sa Kamara.

Ipinagmalaki ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House justice committee, na limitado lang sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs ang napagkaisahan nila na masakop at hindi na kasali ang ibang karumal-dumal na krimen o heinous crime.

Sa kasalukuyan, habambuhay na pagkabilanggo bilang capital punishment ang katumbas na parusa habang walang death penalty na katapat ang capital offense o pinakamataas na krimen na saklaw ng mga itinuturing na heinous crime.

Sakaling maibalik at maipasa ang batas sa death penalty, imbes habambuhay na pagkabilanggo ay bitay ang magiging katapat na parusa sa anomang heinous crime bilang capital offense.

Ang kasong plunder, murder, rape at treason (pagtatraydor sa bayan) ay may kanya-kanyang batas at ilan lamang sa mga ibinibilang na heinous crime na sakop ng capital punishment o habambuhay na pagkabilanggo, na ayon kay Mali-mali, este, Umali, ay napagkaisahan nila na hindi isama sa parusang bitay.

Sa palagay ko, hindi papayag ang ilang senador na matawag silang bobo, tanga, gago at estupido kapag pinayagan nilang lumusot ang walang kabuluhang death penalty na ipinagmamalaki ni Umali.

Hindi ba dapat munang amiyendahan isa-isa ang magkakahiwalay na batas na capital punisment ang katapat na parusa bago nila maipuwera sa death penalty ang ibang mga kaso na sakop ng heinous crime?

Kung ibabalik ang bitay, dapat kasama lahat ng itinuturing na heinous crime at mga capital offense na plunder, treason, rape, etc.

Duda na tayo na sabotahe ang iginigiit na bersiyon ng Kamara laban sa kasalukuyang administrasyon at iginagawa ng kaaway si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte.

Maliwanag na betrayal of public trust ang tawag sa Death Penalty Bill ng Kamara na desenyo sa kapakanan nila at ng mga kriminal.

Maraming traydor at ulupong sa pamahalaan kaya ingat sa mga nagpapanggap lang na kaalyado pero sa katotohanan ay mga lihim na kaaway.

TULARAN SI CAÑETE

KAHANGA-HANGANG nilalang si G. Dionisio Cañete, isang dating abogado at law practitioner sa Cebu.

Sa labis na pagkadesmaya sa kawalan ng hustisya sa bansa, ipinasiya niyang hubarin ang kanyang titulo kaysa manatili bilang abogado.

Hindi na masikmura ni G. Cañete ang talamak na katiwalian sa judiciary at prosecution service na kanyang napatunayan bilang abogado kaya’t minabuti niyang hilingin sa Korte Suprema na tanggalin na sa kanya ang kanyang pinagpagurang titulo at propesyon bilang abogado sa loob ng 56-taon.

Marahil ay nainsulto ang Korte Suprema kaya’t tinugon nila ang hiling ni G. Cañete na ngayon ay isa nang karaniwang mamamayan.

Hindi na raw maatim ni G. Cañete ang malawakang katiwalian at ang hindi maipaliwanag na kawalang katarungan sa mga hukuman at piskalya na kanyang naranasan.

Kaya tuwang-tuwa si G. Cañete nang matanggap ang sulat na tinugon ng Korte Suprema ang kanyang kahilingan.

Gusto ni G. Cañete na magsilbing protesta ang kanyang paglisan bilang abogado para kung ‘di man ganap na masugpo ay mabawasan ang talamak na katiwalian sa judiciary at prosecution service ng mga nasa legal profession.

Sabi ni G. Cañete, “With all those cruel and brutal injustices heaped on me, I feel that being a lawyer does not anymore deserve respect and courtesy. There is no more logical and cogent reason for me to remain as a lawyer.”

May kasabihan, “Hindi ang titulo ang nagpapadakila sa tao, kung ‘di ang tao ang nagpapadakila sa titulo.”

Para que na naghirap ka pang matamo ang isang titulo bilang abogado kung ang basehan pala ng mga desisyon sa kaso ay kuwarta.

Sana, ipahanap ni Pres. Duterte si G. Cañete at bigyan ng pagkakataon na makatuwang sa kanyang administrasyon.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *