Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard at Angelica, ‘di totoong may tampuhan

HINDI totoo ang tsikang nagkaroon ng tampuhan sina Richard Parojinog aka Mr. Pastillas at Angelica Yap aka Pastillas Girl na nakilala natin noon sa It’s Showtime ng Kapamilya Network.

Noong February 14 ay magkasama ang dalawa to celebrate Valentine’s para sa isang show sa Abra. Nakita ko mismo ang sweetness ng dalawa habang nasa biyahe at mismong si Angelica na rin ang nagsabi na wala naman talaga silang naging problema ni Chard.

After kasi nilang maging abala noon sa It’s Showtime ay nagkaroon na rin sila ng kani-kanilang career path at hindi na nagkikita.

I asked Angelica about her break-up kay Mark Neuman. Medyo seryoso kami ni Angelica habang nag-uusap dahil nasa isang room lang kami and nalaman ko nga ang buong katotohanan. Sabi ni Angelica, that some good things never last. Lalo na kapag parehong hindi handa sa isang relasyon na bago naging kayo ay magkaibigan na kayo.

Hindi naman hopeless si Angelica sa kanyang lovelife. Single siya ngayon at willing to wait naman kung sino man ang lalaking mamahalin siya .

Masaya naman siya ngayon sa bakuran ng Viva.

Masaya na rin ang anak-anakan kong si Chard promoting his latest digital single titled Puso under Ivory Music. Ipinalalabas na rin ngayon sa MYX Channel ang kanyang music video at nasa YouTube na rin ito. Pini-play na rin sa airwaves ang kanyang kanta at ratsada naman sa ilang mall shows at out of town shows ang binata!

‘Yun na!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …