SINABI sa amin ng debonair actor na si Dennis Trillo na masaya sila ni Jennylyn Mercado kahit ‘di madalas magkita.
“Kahit ‘di kami madalas magkasama’y masaya kami. What matters most is quality and not quantity of time we spend together.”
Tinukso kasi namin ang premyadong actor na dahil sa nalalapit niyang pagteteyping sa Kapuso fantaseryeng Mulawin na four days a week ay baka mawalan na siya ng oras for Jen.
Dahil din sa March na ang start ng teyping, ‘di muna makatatanggap ng film assignments si Dennis. Talagang dibdiban ang ilalaan niyang work sa serye at ang ayon sa kanya’y dream role.
Sa direksyon nina Don Michael Perez at Dominic Zapata, kasama sa cast sinaHeart Evangelista, Carla Abellana, Bea Binene, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Joko Diaz, Roi Vinzon, Chynna Ortaleza, Ariel Rivera, at Regine Velasquez-Alcasid.
Sa tatlong araw na mababakante si Dennis, maaari namang ilaan ito para kina Jen, his son Calyx and Jen’s son Alex Jazz.
KUROT LANG – Nene Riego