Friday , November 15 2024

Illegal terminal queen ng Lawton nangangarap maging radio blocktimer

00 Kalampag percyNABULGAR sa malaganap na programa ng respetado at premyadong brodkaster na si Julius Babao sa DZMM tele-radyo ng ABS CBN ang matagal nang hindi nabubuwag na sindikato ng illegal terminal sa barangay na may sakop sa Plaza Lawton sa Maynila, nitong nakaraang linggo.

Ipinakita ang modus kung paano isinasagawa ng mga sinasabing tauhan ng barangay ang ilegal na pangongolekta ng bayad mula sa mga kolorum van at bus sa kuha ng video.

Sa panayam ng beteranong brodkaster, tinangka pang idepensa ni dating konsehal at ngayo’y Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) director Dennis Alcoreza na nagsabing legal daw ang terminal sa Lawton ng mga kolurum van at bus na biyaheng probinsiya.

Pero nang ipakita ang kuha ng video na hindi mga kagawad ng city hall ang nangonglekta ng bayad, napilitang kumambiyo si Alcoreza at si-nabing hindi raw puwedeng mangolekta ang mga buraot ng barangay.

Wala rin nabanggit na ordinansa si Alcoreza nang tanungin kung ano ang basehan na legal na paradahan ng kolorum van at bus ang paligid ng monumento ni Gat Andres Bonifacio na matagal na o panahon pa ni dating mayor Lito Atienza ay binababoy at sinasalaula ng matandang hukluban na ‘reyna ng illegal terminal’ sa Lawton.

Balita natin, umiikot ngayon sa ilang estas-yon ng radyo ang matandang burikak na dating ‘kwekong’ sa Mehan Garden para makabili ng oras sa radyo na magagamit niyang proteksiyon sa kanyang mga ilegal na negosyo, tulad ng illegal na droga at illegal terminal.

Ambisyosang magpanggap na brodkaster ang bruhang burikak at buong tapang na kinakausap ang ilang estasyon na sa akala niya ay magkakamaling bentahan siya ng oras bilang blocktimer sa radyo.

Akala niya siguro, pati ang tulad niyang kri-minal na sindikato ay puwedeng mag-programa sa radyo basta’t may pambayad ng oras, gaya ng dati niyang ginagawa sa isang bastos at mahalay na tabloid na nagbebenta ng espasyo sa kahit kanino para masabi lang na may sariling diyaryo.

Matapos magka-onsehan ay nakagalit ng matandang bruha ang mag-asawang publisher na naglalabas dati ng kanyang kolum na kanyang ipinasusulat sa ilang tiwali na nagpapakilalang reporter pero wala namang sinusulatang pahayagan, kapalit ng kanyang ibinabayad mula sa limpak na kita ng illegal terminal sa Lawton.

Ang dahilan ng pagkakagalit ay nag-ugat sa utang na P100-K ng tabloid publisher kay bruhang burikak kapalit ng tumalbog nilang tseke.

Naghanap si bruhang burikak ng ibang tabloid na papayag maglabas ng kanyang kolum pero walang pumatol dahil alam na gagamitin lamang nila ng mga alagang patay-gutom ang pahayagan na panabla at pambanat laban sa mga lehitimong miyembro ng media na nagbubulgar sa kanilang sindikato, pati na sa mga awtoridad na magtatangkang sumawata sa illegal terminal na nagpapasikip at nagpapagulo ng trapik sa Maynila.

Ang dati niyang kolum sa tabloid na walang pambili ng sariling papel ay nagamit niya para makapagsipsip-buto kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada kapalit ng proteksiyon sa operasyon ng kanyang illegal terminal sa Lawton.

Ginamit rin na panakot ni Bruhang Burikak ang kolum sa diyaryo laban sa mga opisyal at kagawad ng Manila Police District (MPD) kaya walang magkamaling hulihin ang kanyang mga ilegal na aktibidad.

‘BURIKAKSTER’

PERO hindi ko napigilang matawa nang mabalitaan natin tinakdaan pa ng sarili niyang kon-disyon ang mga kausap sa pagbili ng airtime sa radio at ang hirit daw ng ambisyosang hukluban ay primetime sa umaga ang kursunada niyang oras.

Balak pang makipagsabayan ng ambisyosa sa mga institusyon at lehitimong brodkaster sa umaga kaya hindi pa man nagsisimula ay halata agad na masama ang pakay na makapasok sa radyo.

Sa mahigit 30-taon ko sa radyo, ngayon lang ako nakabalita ng tulad niyang technicolor kung mangarap at ng gaya niya na kung kailan tumanda ay saka nag-ambisyon na maging brodkaster.

Mas bagay sa negosyo ng matandang burikak at ng kanyang mga alagang barker ang bumili na lang ng megaphone at magtawag ng pasahero na sasakay sa mga nakaparadang kolorum van at bus sa pinatatakbo niyang illegal terminal sa Lawton kaysa mangarap maging brodkaster.

Palibhasa, wala nang malokong pahayagan ang matandang bruha at wala nang magtiwala sa kanyang mga alaga na pinalayas sa mga dating sinusulatan dahil sa katiwalian kaya naghahanap naman ngayon ng estasyon na magagamit at makakaladkad  sa kanilang mga kawalanghiyaan.

Dahil wala nang magamit na pahayagan maliban sa isang kalalabas na weekly tabloid, kinakabahan ang bruhang burikak na tanggalin sa kanya ang pangongolekta sa illegal terminal at mailipat sa MTPB kaya nagbabalak bumili ng programa sa radyo.

Para sa kaalaman ng matandang hukluban at reyna ng illegal terminal sa Lawton, malaki ang pagkakaiba ng tulad niyang “burikakster” kaysa tunay na brodkaster.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *