Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, naospital na naman

“STRIKE while the iron is hot,” iyan ang kasabihan sa wikang Ingles na madalas marinig sa showbiz. Kasi nga sa showbusiness, hindi mo talaga alam kung hanggang kailan tatagal ang popularidad ng isang artista. Kaya iyang mga artista, habang sikat pa sila at mataas ang bayad sa kanila, tanggap ng tanggap ng lahat ng trabaho. Pero kung minsan, nakakasama rin sa kanila iyon.

Nasa ospital na naman si Alden Richards. Hindi naman grabe ang sakit niya, pero it is enough para siya mai-confine sa isang ospital. Ibig sabihin kailangan ang talagang matinding pangangalaga dahil kung hindi, hindi naman ipapayo ng mga doctor na kailangan kang manatili sa ospital.

Bata pa iyang si Alden. Wala pa naman talagang history iyan ng pagkakasakit. Tiyak na isa lang ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, sobrang pagod na. Maaaring nakakapagpahinga rin naman siya kahit na nasa set ng taping. Maaaring sabihin niyang hindi naman siya pagod physically. Maaaring kumakain naman siya ng lahat ng masustansiyang pagkain at nakaiinom pa ng vitamins, pero iba talaga iyong nakakapagpahinga.

Pero iyan, kahit na nagkasakit na ng ganyan, hindi pa rin makakapagpahinga nang lubusan, kasi tiyak na patutunayan niya na “professional” siya. Iyan ang isa pang maling paniniwala sa showbiz. Tinatawag nilang “professional” iyong kahit masama na ang pakiramdam ay tuloy pa rin sa trabaho. Kung sino ang nagsimula ng ganyang paniniwala, na malamang ay galing sa mga Kano dahil ang pinagsimulan naman ng showbiz sa Pilipinas ay iyong natutuhan natin sa mga Kano, mali iyan.

Maraming artista na ang napahamak dahil diyan. May sakit na, sige pa rin sa trabaho, dahil ayaw nilang matawag na sila ay unprofessional. Pero dapat naman nag-iisip din sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …