Sunday , December 22 2024

Pasasalamat kay PRRD at reklamo vs embassy staff sa Tokyo, Japan

00 Kalampag percyISANG kababayan natin na naninirahan sa Tokyo, Japan ang nais magpaabot ng pasasalamat kay Pang. Rodrigo R. Duterte.

Sa ipinadalang e-mail sa atin, ikinuwento ni Gng. Ai Tanaka kung paano niya nakaharap at nakamayan si Pang. Digong.

Siya ay masugid na tagasubaybay ng ating programang “Lapid Fire” sa Radio DZRJ-810 Khz., na sabayang napapanood sa buong mundo via live streaming sa You Tube at Facebook sa website ng 8trimedia.com.

Si Gng, Tanaka ay kabilang sa mga kababayan nating sabik na sumalubong kay Pres. Digong sa Tokyo noong nakaraang taon at mababasa rin ang reklamo na nais niyang makarating sa kaalaman ng pangulo laban sa mga tauhan ng Philippine Embassy sa Japan:

“Hi po, Sir Lapid! Gusto ko lang po sanang ipaabot sa inyo ang mga naranasan po naming mga Pilipino nu’ng araw na dumalaw po rito si Presidente Duterte. Isa po kami ng kaibigan ko sa nagtiyagang nag-antay at ang bulok na sistemang pinaranas po sa amin ng Phil. Embassy staff(s). Oo nga po’t wala kaming dalang imbitasyon nu’ng araw na ‘yon, pero nag-try po kami dumayo nang maaga kahit na tagarito lang din po kami sa Tokyo.

Pumila po kami at may nag-assist sa amin na member daw po sa loob (hindi na po namin alam kung saan member ang nagpalista sa amin). Si-nabi ng taong ‘yon, lalaki at babae na ‘di na po namin nakuha ang name kasi wala namang nakalagay. Basta ang nais lang po namin ay makapasok, so ‘di bale kaming mga walang imbitas-yon ay nagkaroon ng pag-asa na makapasok. Kahit na sinabing kami ‘yong last na makakapasok, okey lang po sa amin lahat. Pinalista ang mga pangalan namin at pinapila at pinag-antay sa labas kahit na umuulan pa nu’n. Kasama po namin ang mga anak namin.

Nag-umpisa na po silang magpapasok bandang 2:30 pm, pumasok na po kami. Kaming mga nasa dulo na walang imbitasyon, pagdating sa loob sa hagdanan, pinahinto kami ng mga Hapones na security. Kung wala raw po kaming imbitasyon, ‘di daw po kami makakapasok. Mga isang oras nag-antay pa rin po kami baka saka-ling papasukin po kami. After namin nag-antay, pinayagan na po kaming makipila kasama ng mga may imbitasyon. Pero pagdating namin sa last na line, naharang na po kami.

Ang nakakasama po ng loob, ‘yong ibang walang imbitasyon ay nakapasok dahil nga po siguro naka-suit sila. ‘Yong iba po, lumabas at du’n na lang po nag-antay sa labas, pero kaming mahigit 8-katao ay nagpilit po kami na ‘wag pa-alisin dahil po malamig at umuulan sa labas, may anak pa po ako at kaibigan ko na kasama namin. Pero ang sabi po sa amin, ipapa-pulis daw po kami kung hindi daw po kami umalis dahil du’n nga raw po dadaan ang Presidente Duterte at kailangan na nga raw pong i-clear du’n sa entrance way.

Ang tanong po namin, bakit may pinapasok silang mga piling tao at bakit po nila kami ipapupulis? May ginawa ba kaming kasalanan? Ang alam lang po naming mali ay ‘yong wala po ka-ming dalang imbitasyon at sila po naman ang may kasalanan dahil unfair silang mga taga-Phil Embassy, pili lang mga inimbitahan nila. Pero okey lang din po dahil nag-antay na lang po kami sa ibaba, maka-ilang beses din kaming pinalabas ng mga security du’n sa hotel pero nagpumilit pa rin kami kahit na nakahihiya na kami para sa mga pag-uugali namin dahil nga po sa tigas ng ulo namin na alam naman po namin na may rule po ang mga Hapones.

Pumasok po ulit kami sa loob ng hotel at umalis kami du’n sa labas na pinaglagyan sa amin nu’ng staff ng Phil. Embassy. Mga 5:00 pm po, gabi na rin po at madilim na kasi tag-lamig na at umuulan pa nu’ng time na ‘yon. Nasa loob po kami ng Lobby Hotel (Palace Hotel Tokyo), napi-litan po kaming pumasok at umorder ng maiinom, soft drinks for 2 kids at red wine na pinakamura po ang inorder namin kasi mamahalin ang wine po du’n. Sa maikling kuwento, nakakuha po kami ng puwesto at du’n na po kami ng ilang kapwa namin Filipino nag-antay.

Sulit naman po ang pagsasakripisyo namin at pag-aantay, lalo na po may kasama kaming mga bata (naiinip na po kasi sila heheheh!), dahil nilapitan po kami ni Tatay Digong nu’ng narinig na po n’ya ang mga hiyawan namin. At kahit po hinarang po si Tatay Digong ng security guard na Japanese, ‘di pa din po s’ya napigilan.

Nagpapasalamat po kami talaga kay Presidente Duterte dahil kaming mga simpleng mamamayan dito sa Japan ay nilapitan niya at inaabot kami.

Gusto ko lang din pong ireklamo ang ginawa po sa amin ng mg staff ng Phil Embassy. Dapat po alisin na ni Tatay Digong ‘yung mga ‘di po tama ang mga ginagawa sa mga kagaya naming mamamayan, na porke du’n sila nagtatrabaho kung mga umasta akala nila kung sino sila. ‘Di naman po sa pagmamayabang, galing din naman po sa amin ‘yung mga sinasahod nila.

Sana po makarating po sa inyo at sa Presidente po natin itong simple pero napahaba ko pong kuwentong naranasan po namin dito sa Japan. (Ito din po pala ang video at pinagpala din po akong makuhaan ng picture kasama ang Pre-sidente natin).

Maraming, maraming salamat po sa inyo at kayo po ang naging boses naming mga simpleng mamamayan dito sa Japan at saan man pong sulok ng mundo. God Bless po, Mr. Percy Lapid!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *