Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Personality ni Liza, dapat maging standard sa pagpili ng Binibining Pilipinas

HABANG naglalakad papasok si Liza Soberano sa venue ng press conference niyong pelikula niyang My Ex and Whys at umupo sa harapan ng audience, tapos noong sumagot sa mga katanungan ng media, masasabi nga naming isang beauty queen ang dating niya.

In fact, ang sinasabi nga namin, iyong personality na iyon ni Liza ang dapat sanang maging standard sa pamimili ng Binibining Pilipinas sa ipadadala sa Miss Universe. Nag-evolve na rin kasi iyong Miss Universe eh, hindi puwedeng maganda lang. Kailangan din may laman ang utak. At sa nakikita namin iyon talaga si Liza.

Ang problema, siguro nga bukod sa bata pa naman si Liza, ang daming mawawala sa kanyang trabaho kung sasali siya sa beauty contest. Isipin ninyong madaling araw pa lang, kung magbubukas kayo ng TV mukha na ni Liza ang makikita  sa commercials. Gabi-gabi rin siyang napapanood sa primetime. Maya’t maya ay maririnig mong may mga shows siya sa mga probinsiya at maging sa abroad. Ngayon nga may pelikula pa siya, iyong My Ex and Whys. At sunod-sunod din halos ang pelikula niya.

Wala na yata tayong nakukuhang artista na ganyan kaganda. Aba eh kung ikukompara mo naman ang mukha ni Liza roon sa ibang plain faced, huwag na lang.

Kami, lahat halos ng nakakausap namin, basta nabanggit ang pangalan ni Liza Soberano, ang sinasabi ”maganda talaga iyon”. Maski nga si Isah Red na napakataray ang sabi ay ”maganda naman talaga si Liza”. Kung may sumagot nga ng mali roon sa linya niya sa kanyang pelikula na nagtatanong, ”pangit nga ba ako,” ang masasabi lang namin, sampalin mo.

Pero sinasabi ng kanyang director na si Cathy Garcia Molina, may disadvantage rin ang kagandahan ni Liza, ”hindi mo siya mapagmukhang marumi. Hindi mo siya mapagmumukhang pangit sa eksena kasi lulutang pa ring maganda siya.” Eh talagang maganda nga iyong tao eh, ano magagawa mo?

Pero hindi lang beauty queen eh. Palagay namin, ma-develop lang nang husto, iyang klase ni Liza ang magtatagal talaga sa showbusiness. Maniwala kayo sa amin, iyong magaganda talaga ang hinahanap ng mga fan. Hinahangaan nila iyong mga beauty na hindi nila kaya. Kaya nga humahanga sila eh. Kung ang makakasalubong nila ay plain faced lamang, pagsasawaan din nila iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …