Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vin at Sophie, hahatulan sa Moonlight Over Baler

MABUTI na lang at kay Direk Gil Fortes natupad ang pangarap nina Sophie Albert at Vin Abrenica na makaganap bilang lead role sa pelikulang Moonlight Over Baler.

Matagal na naman kasi ang ipinaghintay ng dalawa simula noong manalo sa Artista Academy ng TV5. Sa dami ng mga ipinakilalang promising stars sa network unti-unti rin silang nawawala. Ang ilan sa kanila ay nabigyan ng break sa ibang estasyon, ang ibaý tuluyan nang nawala.

Sa Moonlight Over Baler ginagampanan niya ang papel ni Elizabeth Oropesa. Isang maestro sa Pagbilao, Quezon. Isang sundalong USAFFE naman si Vin na hindi akalaing matapos hindi magkita ng matagal na panahon ay muling nagkita.

Isang magandang pelikula ito na bagay na bagay kay Beth. Nabigyan niya kasi ng buhay ang papel na  hinahanap ni direk Gil. Ito ay mula sa script ni Eric Ramos at ipalalabas na sa February 8.

Kasama rin sa pelikula sina Daria Ramirez at Ellen Adarna.

Sa Moonlight Over Baler hahatulan ang acting nina Sophie at Vin at kung makapapasa na ba ang acting nila sa masa.

SHOWBIG – Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …