Friday , November 15 2024

OFW binitay sa Kuwait

00 Kalampag percyISANG kababayan na naman nating OFW ang binitay sa middle east nitong Miyerkoles.

Siya ay si Jakatia Pawa, tubong Zamboanga, na nagtatrabaho bilang kasambahay na nahatulan sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo noong 2007 sa bansang Kuwait.

Pero ang malungkot, ilang oras bago niya harapin ang kamatayan ay saka lamang nakarating sa kaalaman ng kanyang pamilya ang nakatakdang pagbitay sa kanya.

At ang masakit, ang mismong pamilya ni Pawa ay walang kamalay-malay sa mangyayari kung ‘di pa siya nakatawag sa kanyang kuya na si Philippine Air Force (PAF) Lt. Col. Angaris Pawa upang makapagpaalam.

Ang hindi natin maunawaan ay kung bakit wala man lamang natanggap na tawag mula sa ating Embahada o Konsulada sa Kuwait upang maipabatid sa pamilya bago ang itinakdang pagbitay kay Pawa.

Dispalinghado ang paliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kesyo naunahan lang daw sila ni Pawa na makatawag sa pamilya.

Parang si Pawa pa ang lumalabas ngayon na may kasalanan dahil naunahan niya ang DFA na makatawag sa kanyang pamilya.

Naniniwala tayo sa kababayan nating si Pawa na hanggang sa huling sandali ay nanindigan na wala siyang kasalanan.

Kuwento niya, ang mismong amo niyang babae ang nakapatay sa sarili nitong anak na babae matapos umanong mahuli habang na-kikipagtalik at sa kanya ibinintang ang krimen.

Posible kaya na mismong sariling ama ang naaktohang katalik ng anak para magbunsod ng matinding galit sa ina?

Sa mga bansang Arabo ay lagi tayong agrabyado basta’t may nangyaring krimen kahit pa nga mga kababayan na natin ang inabuso at pinagsamantalahan.

Hindi kinikilala ng kanilang batas ang self-defense o pagtatanggol sa sarili sa katuwirang hindi magaganap ang krimen kung hindi ka dumayo sa kanilang bansa.

‘Di hamak na masuwerte pa ang mga hayop na kambing at kamelyo na binibigyan ng kataru-ngan sa kanilang batas kapag nagahasa ng Ara-bo, kompara sa inaabusong OFW na binibitay kapag nakapatay ng employer kahit self-defense o nagtanggol lang sa sarili.

Tuwing may nabibitay tayong kababayan, ang lagi nating naitatanong sa sarili ay kung bakit pinapayagan pa ng ating pamahalaan ang deployment ng OFW sa Middle East at mga bansang Arabo.

Si Pawa ay nakapagtapos ng bachelor’s degree in banking and finance pero sampung taon siyang ikinulong nang walang kalaban-laban sa Kangaroo Court ng bansang Kuwait.

Nasisiguro nating matino ang kanyang mga kapatid na nasa military service na bihira na ngayon sa maraming opisyal ng PNP at AFP.

Kung mapagsamantala, magnanakaw at abusado ang kanyang mga kapatid na nasa military service ay maginhawa sana ang buhay ni Pawa dito sa piling ng kanyang pamilya at hindi na niya kaila-ngang pumasok bilang kasambahay sa Kuwait.

Napakarami nang katulad na kaso ang nangyari sa nakaraan pero hanggang ngayon ay walang naigigiit na kondisyon ang ating pamahalaan para sa proteksiyon ng mga OFW na kadalasa’y biktima ng maling paratang.

Sa tinagal-tagal ng pakikipag-ugnayan natin sa Middle East countries na itinuturing nating kaibigan pero hindi nagpapahalaga sa ating mga OFW na kanilang pinakikinabangan.

Ang pag-unlad ba ng sibilisasyon na naiambag natin sa mga bansang Arabo ay kulang pa para makapagdikta ang ating pamahalaan nang patas na kondisyon at proteksiyon sa batas ng mga kababayan OFW?

Walang karapatang mangolekta ng kung ano-anong bayad at konbtribusyon ang ating pamahalaan kung wala silang kakayahang masiguro ang kaligtasan ng ating mga OFW.

Bakit hindi nagagamit ng mga bansang Arabo ang kanilang mga batas kapag kano ang sangkot sa anomang krimen?

Kelan pa naging mas mababa ang uri ng pagkatao nating mga Filipino kaysa mga ‘Kano?

Itigil na lang natin ang OFW deployment habang walang kapasidad ang bansa na maipaglaban nang patas ang kanyang sariling mamamayan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *