Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla

Career ni Kylie, posibleng maudlot dahil sa pagbubuntis

HUWAG naman sanang mangyari ang sinasabi ng iba, pero may mga nagsasabing mukhang mauudlot na raw ang career ni Kylie Padilla ngayong sinasabing tatlong buwan na siyang buntis. Kung lalabas ngang ganoon, aba eh pinakamahaba na iyong isa o dalawang buwan at obligado na siyang magpahinga dahil sooner or later, lolobo na ang tiyan niya. Maaari pa ba siyang magsuot ng damit ng isang sangre kung malaki na ang tiyan niya?

Isa pa, kasabihan na ngang mahirap at delikado ang pagbubuntis ng isang nanganganay.

Matagal na iyang usapan pero dahil walang nagsasalita at walang umaamin, eh hanggang blind item na lang sila. Hanggang ngayon naman ay hindi pa sila umaamin, pero sinasabi ngang isang close sa kanila ang nakapagsabing, “huwag ninyong sasabihing sinabi ko, pero totoo, tatlong buwan na.” Kaya ngayon hayagan na iyang pinag-uusapan.

Ang nakatatawa nga, karamihan sa mga reaksiyon lalo na sa social media, ay sinisisi si Aljur Abrenica. May nagsasabing siya ay isang “pashnea”. May nagsasabi pang “idinamay pa niya si Kylie”. Kasi nga nagsisimula na sanang sumipa ang career ni Kylie ngayon, na tiyak na mauudlot nga dahil nabuntis siya. Eh si Aljur naman ay tumamlay na ang career simula noong magwala siya at idinemanda pa ang kanyang network. Hindi naman siya pinag-interesang kunin ng kalabang network noon, at kahit na nagbalik na siya sa network niya, natural lang na takot ang network na bigyan siya nang bigyan ng project kagaya noong dati dahil baka masabi na naman niyang binibigyan siya ng roles na hindi niya gusto at hindi makabubuti sa kanyang career.

Kung ano ang kahihinatnan ng kanyang career at ng buhay nilang dalawa ni Aljur dahil sa nangyaring iyan, hindi pa natin alam. Hindi pa rin natin alam kung ano ang magiging reaksiyon diyan ni Robin Padilla. Pero siguro naman maiintindihan niya na talagang may nangyayaring mga ganyang bagay. Nangyari rin naman iyan sa kanya.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …