Friday , November 15 2024

Mahal na pakain sa Miss Universe

00 Kalampag percyTIYAK na hindi rin nakakain si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte kung dumalo siya sa Governor’s Ball para sa Miss Universe candidates na ginanap noong Lunes ng gabi (16 January) sa SMX Convention Center.

Nungka ay wala sa pagkatao ni PRRD ang mag-aksaya ng panahon at gumasta nang malaki para lang makapagpasikat, lalo’t pera ng taongbayan ang wawaldasin.

Katunayan, nagbabala pa siya sa lahat ng local at national officials na huwag gagamit ng pera ng pamahalaan sa mga okasyon na may kinalaman sa Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa bansa.

Baka naman inakala ng ibang bohemyong opisyal sa pamahalaan na dumalo ay mismong mga kandidata ng Miss Universe na makukursunadahan nila ang ihahaing putahe at ipakakain sa kanila kaya’t nagbayad sila ng malaking halaga, hehehe!

Si dating Ilocos Sur governor at ngayo’y Konsehal Luis “Chavit” Singson, kung ‘di man pangunahin ay isa sa major sponsor ng magarbo at maluhong okasyon para panoorin lamang ang mga kalahok sa Miss Universe pageant habang paliyad-liyad at pakendeng-kendeng silang lumalakad sa pulang alpombra.

Ang okasyon ay dinaluhan ng malalaking negosyante, sikat na entertainment celebrities at matataas na government officials na gumasta ng P180,000 per plate na humigit-kumulang sa $3,600 ang katumbas kada isang tao.

Noong 2009 ay naeskandalo sa buong mundo si dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo at ang mga opisyal ng ating pamahalaan na kasama niyang kumain sa Le Cirque, isang tanyag na mamahaling restaurant sa New York, USA.

Kung tutuusin pala ay wala sa kalingkian ang naeskandalong paglamon ni GMA at kanyang mga kasama sa Le Cirque na umabot sa $20,000 ang halagang nagasta kompara sa ginanap na Governor’s Ball ni Manong Chavit at ng Department of Tourism (DOT).

Sa inyong palagay, beloved Pres. Digong, gagasta kaya ng P180-K ang mga gov’t official na dumalo sa okasyon para sa isang platong pagkain na mahal pa sa ginto ang halaga kung wala sila sa puwesto at sarili nilang pera ang gagastosin?

Parang bad taste o hindi maganda sa panlasa ang ganitong luho habang marami sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo noong Pasko sa lalawigan ng Catanduanes ang nawalan ng kanilang bahay at kinakapos sa makakain.

Ni hindi man lamang sumagi sa konsensiya nila na dalawang low cost housing na ang maitatayo sa halagang P180-K para tulungang makabangon ang mga kababayan natin na naging biktima ng kalamidad sa Catanduanes.

Sana, nabibili ang konsensiya para sa mga manhid at walang pakiramdam.

TAXI DRIVER SINUBA
NG PBA PLAYER

ISINUMBONG sa atin ng isang taxi driver ang kawalanghiyaan ng isang PBA player na kanyang naisakay kamakailan.

Ayon sa driver na si Noel Caranza, noong 14 January ay naisakay niya ang kilalang PBA player ng San Miguel na si Chris Ross, dakong 1:00 ng madaling araw.

Matapos umano niyang ihatid si Ross sa No. 16 Acacia Estate mula sa Palace BGC sa Taguig ay hindi na siya binalikan para bayaran.

Sinamahan siya ng duty security guard at nag-buzzer sila sa tinutuluyan ni Ross pero tuluyan na itong hindi lumabas sa kanyang lungga para makipag-usap.

Sabi ni G. Caranza:

“Ok na sa’kin ‘yung pera, pero kailangan matuto silang ‘wag basta baba at hindi magbayad.”

Ganito ba kawalanghiya ang PBA player ng San Miguel sa maliliit at nagpapakahirap maghanapbuhay na tulad ni G. Caranza?

Aba’y, Double Cross pala ang dapat na pangalan ng damuhong balasubas na PBA player ng San Miguel!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *