Friday , November 15 2024

Matalinong apoy sa MMDA

00 Kalampag percyKAHANGA-HANGA naman ang napabalitang sunog sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong Biyernes.

Parang may isip ang apoy na ang napili pang sunugin ay mga dokumento sa opisina ng resident auditor ng Commission on Audit (COA) sa MMDA.

Bale ba, nadamay sa sunog ang mga dokumento na ang petsa ay mula taong 2014 hanggang 2016 na may kaugnayan yata sa mga maanomalyang transaksiyon na pinasok ng MMDA noong panahon ni dating chairman Francis Tolentino.

Lumang tugtugin na ang ganitong modus na nangyari na rin sa ibang panahon at pagkakataon sa mga nakaraang administrasyon, lalo’t may anomalyang iniimbestigahan.

Hindi raw kasi nagsisinungaling ang ebidensiya.

Sabi nga ng kaibigan nating Tsinoy, “Melon amoy, amoy melon.”

DIVISORIA VENDORS
ANG HINUHUTHUTAN
NG MGA TUTA NI ERAP

TUNGHAYAN ang liham at sumbong tungkol sa ilegal at labag sa batas na pangongolekta ng bayad mula sa maliliit na vendors na walang-awang hinuhuthutan ng masisibang tauhan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa Divisoria:

“Irereklamo ko lang po sana sa inyo, paki-kalampag lang po sana ‘tong si ALCORIZA & MUCHO sa Divisoria.

Ang ginagawa po n’ya at ng mga kasamahan n’ya ay una, pinapabayaran sa mga tindera ‘yung pwesto o lugar na gusto nilang puwestohan ng paninda. Pinalalabas nila na ‘yung lupa ay sa ‘yo na kapag binili mo sa kanila ‘yung property. At dahil ‘yun ang sinasabi nila sa mga tindera, no choice po ang tindera kung ‘di babayaran para hindi siya mawawalan ng puwesto.

Pero after 1-year or 2-years, magugulat na lang po ang mga tindera dahil bigla silang hindi papupuwestohin sa lugar na pinabayaran sa kanila. Ang sasabihin sa kanila, may bagong rules at magtataas ng bayad kaya kailangan mong bilhin ulit ‘yung lugar kung gusto mong pumuwesto. Ibig sabihin, balewala ‘yung unang pagbili mo dahil obligadong bayaran mo ulit sa kanila sa mataas na presyo na. Kesyo pinapaalis na ni Mayor Erap at hindi na nagpapapwesto. Pero kung magbabayad ka ulit o bibilhin mo ulit ‘yung lugar na binili mo na for the 2nd time ay puwede kang manatili. ‘Yan po ang kalakaran na nangyayari ngayon, hindi na naman po ulit nagpapapwesto dahil kailangan mo ulit bilhin sa kanila sa mas mataas na presyo ‘yung lugar.

Technically, ‘di ba wala po silang karapatang ibenta ‘yung lugar na ‘yon dahil sa pagkakaalam ko po, kalsada ‘yon, government property ‘yon?

2nd, wala po silang legal na resibo na ibinibigay sa tinderang binebentahan nila ng puwesto. 3rd, bukod sa bibilhin mo ‘yung lugar na ‘yon, magbibigay ka pa ng monthly rent sa puwesto na binili mo na. Hindi nila maipaliwanag sa mga tindera kung bakit gano’n ang patakaran nila.

Ang idinadahilan ay nagtaas ng tax kaya nagtataas din ang singil nila pero wala naman po silang resibo ng BIR sa kanilang mga pinababayaran. Hindi na lang po makakontra at makaalma ang mga tindera dahil ‘yung Alcoriza at Mucho ang batas at kinakatakutan sa Divisoria. ‘Pag nagreklamo ka naman ay mawawalan ka ng puwesto dahil gigipitin ka nang sobra at malamang na mapatay ka pa. Kaya ‘yung mga tindera, wala na lang po magawa kundi sumunod sa patakaran nilang baluktok na may basbas daw ni Mayor Erap.

Nu’ng panahon po ni Mayor Alfredo Lim, hindi ganyan magpakakad sa palengke o puwesto sa Divisoria. Kaya nga nagtataka ang marami, sa dami ng tindera at pamilya ng tindera sa Divisoria, Tondo, Manila na si Mayor Lim ang gusto at ibinoto e kung bakit si Erap ang nanalo. Napakadumi ng kalakaran nila. Kawawa naman kami, pineperahan at kinakayan-kayanan nila ang mga tulad naming mahihirap at maliliit na tindera sa Divisoria.

Calling the attention and help of Pangulong Rody Duterte, regalo n’yo na po sana sa aming mga tindera sa Divisoria sa nagdaang Pasko at ngayong Bagong Taon. Sana po maaksiyonan ang ginagawa sa amin ng mga tauhan ni Erap sa Alcoriza at Mucho. Siguradong marami po kayong mapapasaya at matutulungan para maipatigil ang pang-aabuso ng mga tauhan ni Erap sa Alcoriza Mucho.

Pang. Rody, hindi lang kaming mga tindera ang inyong mapapasaya at matutulunagn, pati na rin po ang mga pamilya ng mga nagtatanim, nagsu-supply at pinanggalingan ng mga gulay o paninda sa Divisoria mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Vizayas at Mindanao. Kung wala pong mapuwestohan ang mga tindera, masisira ang mga produkto mula sa mga probinsiya na ang Divisoria ang isa sa pinakamalaking bagsakan.

Maraming, maraming salamat po, God bless us all.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *