LABIS-LABIS ang aming paghanga kay Coco Martin bilang isang napakagaling na actor sa indutriyang ito sa kanyang henerasyon.
Wala kang maipintas sa kanyang kakayahan kahit anong papel ang ibigay sa kanya sa bawat proyektong ginagawa, mapa-pelikula o telebisyon. Nasa kanya na halos lahat lalo na ang pagiging professional.
Pero higit sa hinahangaan namin at sinasaluduhan sa kanya ay ang malaking respeto sa ating mga taga-industriya lalo na sa ating lahat sa entertainment tmedia. Napaka-totoong tao na kahit saan mo makita ay yayakapin ka at binibigyang-pansin. Na halos Pasko man o hindi ay hinding-hindi nakalilimot magpasalamat sa ating lahat.
That respect na nakukuha natin from Coco alone ay masaya na tayo, ako personally! Isang totoong ehemplo ng kabutihan at totoong tao na napakahirap hanapin sa mundong ating ginagalawan.
Sa isang meryenda na ipinatawag kamakailan ng kampo ni Coco sa pamumuno ni Mother Biboy Arboleda ay nabatid naming tatakbo pa rin ng ilang buwan ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na iikot yata sa buong Pilipinas ang ilang gagawing location ng serye na mismong si Coco ang nagbalita sa aming panayam.
Masaya rin si Coco sa high ratings ng serye simula nang umere ito a year ago sa Kapamilya Network. Masaya ang buong production ng serye kaya naman nagpasalamat na rin si Coco sa lahat ng taong involved sa puyatan para lang mapaganda ang bawat eksena ng FPJAP.
Sa halos P600-M na kinita ng pelikulang The Super Parental Guardians movie niya with Vice Ganda ay halos hindi namin maipinta ang tuwang nararamdaman ni Coco habang sinasabi nitong biyaya ang naturang pelikula.
Malaking bagay din sa movie ang dalawang batang sina Onyok at Aura dahil may mga follower na rin ang dalawa.
Tinanong namin si Coco kung mahilig din ba siya sa sasakyan? Aniya, bata pa lang siya ay inggit na inggit siya sa mga kalarong may mga magagarang laruan. Kaya naman nitong mayroon na siyang trabaho, hindi nagdalawang-isip si Coco sa pagsasabing nabili niya na rin ang kanyang gustong sasakyan.
Ikinuwento rin nitong noong walang-wala pa lang siya at nabubuhay pa lang sa kinikita sa paggawa ng pelikulang indie, nag-umpisa na rin palang mag-ipon si Coco. Bumili muna siya ng isang tricycle, hanggang sa naging tatlo ito mula sa kanyang kinikita para may maipasada ang kanilang pamilya at may pambayad sa kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Noong kumikita na rin siya ng medyo malaki ay bumili naman siya ng isang jeep at nagsimulang mag-ipon upang makabili ng bahay.
Well, sana tularan ng karamihang artista ang pagiging masinop ni Coco para na rin sa kanilang magandang kinabukasan higit sa lahat ay ang napakagandang pag-uugali ni Coco noh! ‘Yun na!
REALITY BITES – Dominic Rea