Friday , November 15 2024

Bakit bulag, pipi at bingi ang OSG, DOJ, Ombudsman sa mga dinambong ni Erap

00 Kalampag percyHANGGANG sa buwan ng Setyembre na lang ngayong taon ang deadline ng pamahalaan para mabawi kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang mga salapi na kanyang kinulimbat sa taongba-yan.

Ito ang pangamba ng nakausap nating abogado tungkol sa pinal na desisyon ng Sandiganbayan laban kay Erap na nabigong ipatupad ng nakaraang administrasyon ni PNoy.

Anang batikang abogado na nakabasa ng ating kolum noong Biyernes:

“Very timely discussion on the issue of SSS and GSIS money problem. By the way, since the SB decision was promulgated in 2007, we have only up to this year for the OSG and/or DOJ to revive the judgment of conviction against Estrada to enable the government to recover through a writ of execution the civil indemnity that the Court had ordered him to pay the government; kung hindi pa nakukuhang lahat; otherwise, maglalaho na parang bula ang naging pasiya ng SB ukol sa naging desisyon na dapat niyang bayaran.”

Ayon pa sa abogado, “Sa ilalim ng Sec. 6, Rule 39, ng Rules of Court, mayroon lang sampung taon upang ipatupad ang desisyon ng korte. Kung hindi ito gagawin, goodbye Pinoy!”

Si Erap ay pinatawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo matapos mahatulang guilty sa kasong plunder o pandarambong ng Sandiganbayan noong September 2007.

Naging pinal ang hatol ng Sandiganbayan kay Erap matapos niyang isuko ang karapatang iapela ang desisyon sa Korte Suprema at humingi ng pardon kay dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo.

Mistulang bulag, pipi at bingi si PNoy at ang kanyang administrasyon sa loob ng nakalipas na anim na taon para ipatupad ang kautusan ng Sandiganbayan sa pagbawi ng mga kinulimbat ni Erap.

Kung ano raw ang puno ay siya ang bunga kaya’t ang kanyang dating solicitor general na ngayo’y Supreme Court Associate Justice Francis H. Jardeleza at si suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima bilang kalihim noon ng Department of Justice (DOJ) ay walang ginawa para maipatupad ang kautusan ng hukuman.

Magkanong dahilan, este, ano’ng malaking dahilan at hindi hinabol na mabawi ni PNoy at ng mga dating opisyal sa kanyang baluktot na administrasyon ang mga tinulisan ni Erap sa taongbayan?

Kasama sa hatol ng Sandiganbayan kay Erap ang pagsasauli sa kanyang kinulimbat na P545-million sa jueteng;  P130-million tobacco excise tax share ng Ilocos Sur; P189.7-million kickback sa GSIS at SSS stocks sa Belle Corp. at ang P3.23-billion deposito sa “Jose Velarde” account sa Equitable-PCI Bank, Binondo branch sa Maynila.

Kaya’t kung siniseryoso nina Solicitor General Jose Calida at Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Pang. Duterte laban sa giyera kontra katiwalian, dapat lang silang kumilos agad, sa lalong madaling panahon, bago maging huli ang lahat at tuluyang mabalewala ang rule of law.

Kung may malasakit si Ombudswoman Conchita Carpio-Morales laban sa katiwalian ay dapat niyang tawagan ng pansin ang OSG at DOJ para paalalahanan sa kasong “dereliction of duty” na maaaring kaharapin kapag nabigo silang maipatupad ang desisyon ng Sandiganbayan sa pagbawi ng mga nakaw na yaman ni Erap.

P1-M WEEKLY PAYOLA
PARA SA SPD AT CIDG
KINOKOLEKTA NI AGWAS

ISUSUNOD na raw ang kampanya ng pamahalaan laban sa jueteng at mga illegal na pasugalan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inatasan na siya ni Pang. Duterte para mag-imbestiga sa mga illegal gambling sa bansa bilang hepe ng binuong task force na kinabibilangan din nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Finance Secretary Carlos Dominguez.

Hindi natin masisisi ang pangulo kung bakit hindi kay Philippine National Police (PNP) Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa niya ipinaubaya ang responsibilidad na pamunuan ang task force dahil mga pulis ang protektor at unang nakikinabang sa illegal gambling.

Isa sa mga bumabalewala sa kakayahan ni Gen. Bato ang isang mababang pulis na nabansagang ‘Aqua Man’ na si Alyas Agwas ng Southern Police District (SPD).

Hindi raw bababa sa P1-M ang nakokolektang “tongpats” ni Boy Agwas kada linggo sa mga iniikutan niyang maliliit na bar hanggang sa malalaking KTV sa limang lungsod na sakop ng SPD – Makati, Pasay, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa.

Walang takot na ginagasgas ni Boy Agwas sa pangongolekta ng “tara-rajing-potpot” sa mga illegal na pasugalan ang pangalan ng kanyang amo at hepe ng SPD na si Sr. Supt. Tomas Apolinario maging ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

Ipinaaala lang natin kay Boy Agwas na ang ibig sabihin ng salitang paninira ay para lang sa mga sikat na taong may mabuti at magandang reputasyon, hindi sa mga nangongotong.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *