ANO iyong sinasabing, “nakulam” si Ruffa Gutierrez? Bakit naman kukulamin si Ruffa eh wala namang ginagawang masama iyong tao? Totoo naman iyong sinasabing minsan may mga taong “iniistorbo ng masasamang espiritu” dahil sa kung ano mang dahilan. Maging ang simbahan ay naniniwala sa ganyan, kaya nga may mga pari na binigyan ng katungkulan na maging “exorcists”.
Kahit na sino maaaring maranasan ang mga bagay na iyan. In fact may mga libro na may paliwanag tungkol diyan at may kasamang mga dasal para labanan ang mga ganyang pangyayari. Pumunta kayo sa St. Paul’s sa mga mall, mayroon silang ganoong libro.
HATAWAN – Ed de Leon