MUKHA talagang mahirap na ang buhay sa ngayon. May isa kaming kakilala na nagpakita sa amin ng text ng isang “male TV dancer” na nakilala lang naman daw niya sa Facebook, na nagsabi sa kanya na kailangan daw niyon ng pera at nakahanda iyong makipagkita sa kanya, at nag-aalok ng sex.
Siguro nga talagang may nangyayaring ganyan, pero nakagugulat iyong sistema ng pag-aalok ng sex sa isang taong ni hindi niya personal na kakilala. Hindi ba sila natatakot sa sakit? (Ed de Leon)