Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oro team, may takipan?

WALANG nagawa ang poduksiyon ng MMFF entry na Oro kundi isauli ang tinanggap nitong Fernando Poe Jr. Memorial Award noong nakaraang Gabi ng Parangal.

Bunsod ito ng umano’y totohanang pagpatay sa isang aso sa isang eksena sa pelikula na siyempre’y inalmahan ng mga advocate na nagsusulong ng animal rights o welfare.

Pero bakit sa himig ng pahayag ng bida roon na si Irma Adlawan (na itinanghal na Best Actress) ay parang pinagtatakpan pa niya ang kanilang director?

Aniya, nakalulungkot daw na sumentro ang usapin sa pinatay na aso sa halip na sa pagkakapaslang sa apat na tao.

Parang teka, Irma is totally missing the point. Oo nga’t bahagi ng kuwento na kailangang patayin ang aso, pero must the scene be actually executed?

Ang depensa ng produksiyon ay kambing naman daw ang pinatay, hindi aso. Pero how come may nagpupumilit na aso, at hindi kambing, ang nagbuwis ng buhay?

May takipan ba na nangyayari among the members of the production team? At kung totoong mayroon nga, ni isa ba sa mga tauhang ‘yon ay walang kaalam-alam na isang krimen sa bansa ang pagpatay ng aso (at pusa, with the exception, of course, of animal food)?

Tuloy, may nagkomento na palibhasa’y art o sining ang ipinalaganap ng mga tao sa likod ng MMFF last year ay heto ang kanilang napala. Kung hindi raw naging artsy-fartsy ang mga ito’y hindi raw ‘yan ang kinalabasan ng festival.

We don’t buy this crap naman. Walang dudang mas nag-focus sila sa kalidad kaysa komersiyalismo. Pero ang totoong pagpatay sa aso—sa anumang paraan—para lang sa ngalan ng sining ay isang malaking kalokohan.

Hindi kailangang maging isang dog lover o mapagmahal sa alagang hayop ang isang tao para maunawaan niya ang batas.

Salamat sa mga grupong PITA at PAWS, hayop man ay tao kung kanilang ituring.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …