NOONG una, gusto rin naming magtanong kung bakit inilagay sa MTRCB si Mocha Uson. Pero natural iyon eh, iyang tinatawag na “political pay off”. Nakatulong siya sa kandidato, inilagay siya sa puwesto. Hindi ba ganyan din naman sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes na noong panahon ng yellow power ay ginawa pang mga commissioner.
Pero noong marinig namin ang interview kay Mocha doon sa 24 Oras, na sinabi niyang ang una niyang tututukan ay ang kalaswaan sa telebisyon, aba pabor kami roon. Una, mukhang kirat ang mata ng MTRCB sa mga bagay na iyan.
Ano na ang nangyari matapos nilang ipatawag ang producers ng isang show na nagpakita ng nagse-sex sa kotse ang mga artista? Wala rin, kaya ang kasunod nag-sex naman sa damuhan. Sagad na ang kalaswaan sa telebisyon na ginagawa nila sa paniniwalang iyon ang makapaghahatid ng mataas na ratings. Inisip ba nila ang kapakanan ng mga artistang lumalabas sa mga ganoong eksena? Inisip ba nila ang matatanim sa isipan ng mga batang nanonood? At lahat iyan ay nakalusot sa MTRCB. Ipinatawag lang pero walang sinabi kung ano ang nangyari . Nagkaroon ba ng “usapan”?
Sa sinabing iyon ni Mocha, pabor kami na ilagay siya sa MTRCB.
HATAWAN – Ed de Leon