Monday , December 23 2024

Ang ‘Ka Erdy’

00 Kalampag percyNITONG Lunes (2 Enero) ay ika-92 taon ng kapanganakan ni Bro. Eraño “Ka Erdy” G. Manalo, dating executive minister ng Iglesia Ni Cristo (INC) na pumanaw noong August 31, 2009.

Nasanay na kasi akong batiin at alalahanin sa kanilang kaarawan ang mga hinahangaan ko tulad ng Ka Erdy.

Dati, ilang araw pa bago, hanggang pagkatapos ng kanyang kaarawan ay napupuno ng paid ads o bayad na anunsiyo ang mga pahayagan, karamihan ay mula sa mga politiko na nag-uuna-hang bumati kay Ka Erdy para mapansin.

Ang iba nga, nagpapaskil pa ng malalaking karatula para masiguro lang na maipaabot sa kaalaman ni Ka Erdy ang kanilang pagbati.

Hindi ko malilimutan ang isang pangyayari pagkatapos tanggalin ang aking programa sa isang gov’t station, sa pakiusap ng mga inggite-rong nagsabwatan laban sa inyong lingkod noong bagong luklok na pangulo si Gloria Macapagal Arroyo.

Makalipas ang mahigit dalawang buwan, may isang tao na matagal ko nang hindi nakikita na ‘di sinasadya ay aking nakasalubong.

Nang matanaw niya ako ay bigla niya akong tinawag at nilapitan. Bungad niya, “mabuti’t nagkita tayo, matagal na kasi kayong ipinahahanap ng Ka Erdy.”

Nagulat ako at nagtaka kung bakit ako ipahahanap, hindi naman ako personal na kilala ni Ka Erdy kaya’t nagtaka ako at kinabahan, at nagtanong sa sarili kung may atraso ba ako o nagawang kasalanan na hindi ko namalayan.

Ikinuwento ng aking kausap na ipinatawag sila ni Ka Erdy at may bilin sa kanila na hanapin ako.

Ang biglang pagkawala pala ng aking programa sa radyo ang dahilan kung bakit ako ipinahahanap ni Ka Erdy.

Ang sabi raw sa kanila ni Ka Erdy ay hindi niya alam kung bakit bigla na lang akong nawala sa radio, basta’t ang sabi raw ng Ka Erdy, baka ginipit o idinemanda.

Bilin daw sa kanila ng Ka Erdy, “hanapin n’yo siya at tulungan.” Hindi ko akalain na nakikinig pala siya sa aking programa.

Nang marinig ko ito ay biglang tumulo ang aking luha. Ang pumatak pala ay luha ng kaligaya-han dahil kasalukuyan ko pang sinisikap lumimot at muling bumangon sa pagkakatanggal ng aking programa nang wala namang dahilan o kinalaman sa aking trabaho bilang radio broadcaster kung ‘di inggit lamang ng mga nagsabwatan, ayon sa ipinagtapat sa akin ni Rafael Dante Cruz na noo’y director ng Bureau of Broadcast Services.

Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataon makaharap si Ka Erdy noong nabubuhay pa, isa ako sa mga nagsikap na makita ang kanyang mga labi kasunod ng kanyang pagpanaw.

May isang pangyayari ang hindi ko maipaliwanag at hanggang ngayon ay ipinagtataka.

Habang ako ay nakatayo sa napakahabang pila sa malayo patungo sa kanyang kinalalagyan ay may isang lalaki ang biglang sumulpot sa aking harapan, nakasuot ng casual at hindi naka-uniporme tulad ng ibang namamahala sa pagsasaayos ng mahabang pila.

Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng bigotil-yong lalaki, bigla niya akong hinawakan sa braso at sinabing, “Dito na po kayo Ka Percy.” Dinala niya ako sa mas mabilis umusad na pila kaya mabilis rin akong nakalapit sa kabaong ng Ka Erdy.

Pero habang lumalakad ako palapit sa kaba-ong ay nililingon ko ang paligid para tanawin ang taong lumapit sa akin para pasalamatan at alamin kung sino siya ay hindi ko na siya nakita hanggang sa ako ay makalabas ng Templo.

Ang mahalaga, nasabi ko ang mga kataga na matagal ko na sanang nais sabihin sa kanya… Maraming Salamat po, Ka Erdy!

MAGINOONG POLITIKO
SI MAYOR MEL LOPEZ

TAHIMIK na pumanaw si dating Manila ma-yor Gemiliano “Mel” Lopez Jr sa edad na 81-anyos, kamakailan.

Si Mayor Lopez ay naging konsehal ng Maynila noong 1963, naging assemblyman mula 1984 hanggang 1986 at nanungkulang alkalde ng lungsod mula 1986 hanggang 1992.

Isa siya sa kakaunting hinahangaan natin bilang maginoong politiko na hindi marunong magtanim ng galit kanino man.

Hindi ko na ikukuwento kung paano kami nagkakilala, basta’t sa pagkakaalam ko ay mapagpakumbaba at hindi benggador si Mayor Lopez, malayo ang kanyang pag-uugali sa klase ng maraming hambog na politiko ngayon na ginagamit ang kanilang posisyon para gipitin ang mga itinuturing nilang kaaway na kaibayo sa politika.

Paalam po, Mayor Mel Lopez!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *