LUMAMON lang ng alikabok iyong pelikulang Ma’ Rosa na ipinagbakasakali pa nila sa Oscars foreign language division. Umaasa sila kasi nanalo raw si Jacklyn Jose sa Cannes, baka sakaling mapansin, pero sa top nine pa lang, laglag na ang pelikula.
Wala pa talagang pelikulang Pinoy na nai-consider diyan sa foreign language film section ng Oscars. Wala pa tayong director na nakapuntos na mapasama man lang sa mga semi-finalist.
Hindi namin alam kung bakit ba masyado tayong hungry for recognition sa abroad, eh hindi naman doon mabubuhay ang industriya ng pelikula sa ating bansa. Hindi ba ninyo napansin, lahat ng mga pelikulang isinali natin sa festivals sa abroad, flop dito sa ating bansa?
HATAWAN – Ed de Leon